Thursday , June 4 2026
cal 38 revolver gun Shabu Drugs

Kahit sa kabundukan naglalako ng ilegal na droga
Shabu, baril nasamsam sa 4 notoryus na tulak

NADAKIP ng mga awtoridad ang apat na katao, kabilang ang isang nakatalang high value individual sa listahan ng PDEA, sa isinagawang anti-illegal drug operation sa Sitio Kalayakan, Brgy. Kalawakan, isang bulubunduking bahagi ng Doña Remedios Trinidad, sa lalawihan ng Bulacan, nitong Lunes ng hapon, 2 Marso.

Batay sa ulat ni P/Capt. Marc Henry Gonzales, hepe ng Doña Remedios Trinidad MPS, ang operasyon ay pinangunahan ng Station Drug Enforcement Unit ng DRT MPS katuwang ang mga operatiba ng San Miguel MPS, 301st Regional Mobile Force Battalion 3, Bulacan PDEA RO3, at Bulacan Provincial Intelligence Unit na nagresulta sa pagkakaaresto ng mga suspek.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang humigit-kumulang 50 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P340,000.

Narekober din mula sa mga suspek ang buybust money, isang glass pouch, isang improvised shotgun na may dalawang bala, isang kalibre .45 na baril na may magasin at dalawang bala, isang kalibre .38 na baril na may dalawang bala, isang Mitsubishi Strada, at isang Rusi motorcycle.

Nahaharap ang mga suspek sa mga kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, partikular sa Sections 5, 11, at 26; at RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

Samantala, dinala ang mga nakumpiskang piraso ng sa Doña Remedios Trinidad MPS para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.

Binigyang-diin ni P/Col. Angel Garcillano, provincial director ng Bulacan PPO, na ang mga sunod-sunod na operasyon at pagkakaaresto ng mga drug pusher ay malinaw na patunay ng pinaigting na kampanya ng Bulacan Police laban sa ilegal na droga. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …

Kiko Barzaga

Barzaga pinatalsik na, binura pa sa roster ng House of Representatives

BINURA kagabi, Martes, 2 Hunyo 2026, sa roster ng mga miyembro ng Kamara si Cavite …