Thursday , June 4 2026
Dead Road Accident

Lady rider patay sa trailer truck

AGAD binawian ng buhay ang isang 58-anyos babaeng rider matapos magulungan ng trailer truck ang minamanehong motorsiklo sa Quezon City, nitong Lunes ng gabi, 2 Marso.

Sa imbestigasyon ng Quezon City Police District (QCPD) Traffic Sector 1, pauwi ang biktima sa lungsod ng Valenzuela mula sa kaniyang trabaho nang maganap ang insidente dakong 8:00 ng gabi kamakalawa sa EDSA-Cloverleaf, Barangay Unang Sigaw, sa naturang lungsod.

Napag-alamang patungo ang trailer truck sa Malabon City upang gumarahe nang maramdaman ng driver na may kumalso sa kanilang gulong.

Nang bumaba ang driver, nakita niya na nasa ilalim na ng truck ang motorsiklo kasama ang biktimang hindi na gumagalaw.

Boluntaryong sumuko sa pulisya ang driver at nakipag-areglo sa pamilya ng biktima na hindi na isusulong ang kaso laban sa kaniya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …