Thursday , June 4 2026
POLPHIL Ric Serrano Danilo Lim Elmer Argano
POLPHIL General Secretary Ricardo 'Ric' Serrano at si yumaong Danilo Lim, POLPhil chairman emeritus, Elmer Argano, POLPHIL National Vice President

Provincial rate ibasura
Pantay na sahod para sa pantay na trabaho isabansa – POLPHIL

IPINAHAYAG ng People’s Progressive Humanist Liberal Party (POLPHIL) ang buo at walang pasubaling suporta sa mga panukalang batas na mag-aalis sa provincial wage rate system, magwawakas sa Regional Wage Boards, at magtatatag ng iisang pambansang sahod para sa lahat ng manggagawang Filipino.

Pinapurihan ni POLPHIL Secretary General Ric Serrano si Kamanggagawa Rep. Eli San Fernando sa pangunguna sa makasaysayang hakbang tungo sa hustisyang pangsahod, katuwang ang House Committee on Labor.

Aniya, “Maging tuwiran tayo: ang provincial rate system ay laos, hindi makatarungan, at atrasado sa ekonomiya.

“Walang lohika sa pagbabayad ng mas mababang sahod dahil lamang ang manggagawa ay nasa labas ng Metro Manila. Ang bigas ay hindi ‘presyong probinsiya’. Ang gasolina ay hindi ‘presyong probinsiya’. Ang koryente, matrikula, gamot, at pasahe ay hindi bumababa ayon sa lokasyon. Ang merkado ay pambansa. Ang implasyon ay pambansa. At ang pagsasamantala, sa kasamaang-palad, ay naging pambansa rin.”

        Mariing kinondena ng POLPHIL na sa loob ng maraming dekada ay pinagtibay ng Regional Wage Boards ang hindi pagkakapantay-pantay imbes na ituwid ito.

Anila, nagresulta ito sa permanenteng agwat sa sahod na nagtutulak sa milyon-milyong naninirahan sa probinsiya na lumikas patungong kabisera — na nagpapalala ng siksikan sa mga komunidad, nagpapahirap sa impraestruktura, at nagpapahina sa kaunlaran ng mga probinsiya.

“Kung tunay na kinakatawan ng mga mambabatas ang mga probinsiya, dapat ay madali ang isang mariing “OO” sa panukalang ito. Dapat nilang tularan si Speaker Bodjie Dy, na hayagang nagpahayag ng kahandaang suportahan ang pagpasa nito,” dagdag na pahayag ng POLPHIL.

Para sa POLPHIL, ang pagtutol sa pambansang sahod ay iisa lamang ang kahulugan: inuuna ang tubo kaysa tao — murang paggawa kaysa dignidad ng manggagawa.

Kasabay nito, nagbabala si POLPHIL National Vice Chairperson Elmer Argano: “Naaalala ng mga manggagawa. Naaalala ng mga pamilya. Naaalala ng mga komunidad. Hindi makakalimutan ng mamamayang Filipino kung sino ang tumindig para sa makatarungang sahod — at kung sino ang kumapit sa bulok na sistema.”

Aniya, “Sa 2028, ang pananagutan ay hindi na teorya — ito ay magiging hatol ng taong-bayan.

“Ang pagpapatupad ng pambansang sahod ay hindi radikal. Ito ay makatuwiran. Ito ay makatarungan. Matagal na itong dapat ipatupad.

“Pantay na trabaho. Pantay na dignidad. Pantay na sahod.

“Hindi ito slogan — ito ay panawagan para sa hustisya.”

Naninindigan ang POLPHIL sa kanilang matatag na pakikiisa sa uring manggagawa at sambayanang Filipino. “Nanawagan kami sa aming mga kasapi at kaalyado sa buong bansa: magpakilos, mag-organisa, at igiit sa mga lokal na pinuno ang suporta sa panukalang ito.” (TEDDY BRUL)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Teddy Brul

Check Also

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …