Thursday , June 4 2026
Mendez Peñones Nartatez

Mendez bagong PRO3 chief; Peñones acting director PNP directorate for ops

ni MICKA BAUTISTA

OPISYAL na tinanggap ni PBrig. Gen. Jess Mendez ang kanyang tungkulin bilang bagong talagang director ng Police Regional Office 3 (PRO3) kapalit ni P/Brig. Gen. Ponce Rogelio Peñones, Jr. sa isang seremonya ng pagsasalin ng katungkulan na pinangunahan ni Chief PNP, Gen. Jose Melencio Nartatez, Jr. sa Kampo Julian Olivas (Camp Olivas) sa Lungsod ng San Fernando, lalawigan ng Pampanga kahapon.

May malawak na karanasan si PBrig. Gen. Mendez sa mga gawain sa intelligence and operations division. Dating nagsilbing Acting Provincial Director at Officer-In-Charge ng Nueva Ecija Police Provincial Office, nagsilbing Senior Executive Assistant sa tanggapan ng chief PNP at naging hepe ng Regional Intelligence Division ng National Capital Region Police Office.

Kabilang sa mga prayoridad ni Mendez sa pagkakatalaga sa Central Luzon ay ang patuloy na kampanya laban sa ilegal na droga, mga hindi awtorisadong baril, ilegal na paggawa ng sigarilyo, at ang pagpapalakas ng mga operasyon laban sa pinaghahanap ng batas.

Aniya, ang PRO3 ay patuloy na susulong sa ilalim ng bandila ng “Pulis Central Luzon” na naghahatid ng Serbisyong Tapat, Mabilis, at Nararamdaman — matatag sa mga operasyon, patas sa mga aksiyon, at tumutugon sa mga pangangailangan ng komunidad.

Samantala, itinalag si P/Brig. Gen. Peñones ay itinalaga bilang Acting Director ng PNP Directorate for Operations, upang pamahalaan ang mga patakaran at estratehiya sa mga operasyon ng PNP sa buong bansa.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …

Kiko Barzaga

Barzaga pinatalsik na, binura pa sa roster ng House of Representatives

BINURA kagabi, Martes, 2 Hunyo 2026, sa roster ng mga miyembro ng Kamara si Cavite …