MATABIL
ni John Fontanilla
HINANGAAN ng netizens ang pagiging tahimik at ‘di pagpatol ni Sexbomb Rochelle Pangilinan sa mga patutsada ni Alvin Aragon.
At sa pagsasalita nga ni Alvin ay maraming kapwa nito artista na nadadawit at marami na rin ang pumatol. Pero mas pinili na lang ni Rochelle na manahimik kaysa makisawsaw pa sa isyu.
Ayon nga kay Rochelle, “Hindi lahat ng laban kailangang patulan.
“Minsan, ang tunay na panalo ay ‘yung mapagkumbaba at mapagmahal.”
Sa dami ng magagandang nangyayari sa career ni Rochelle at sa tagumpay ng Sexbomb na going international na ang kanilang Get Get Awww concert ay wala ng time para pumatol pa.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com