SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez
WALANG plastikan. Ito ang nasabi ni Sharon Cuneta ukol sa pagkikita nina Pangulong Bongbong Marcos at Mayor Leni Robredo sa Naga City kamakailan.
Giit pa ng actress-singer at TV host, walang plastikang naganap sda pagkikita nina PBBM at Mayor Leni na naglaban sa panguluhan noong 2022 Presidential Elections.
Sa post ni Sharon sa kanyang Facebook account, sinabi nitong makasaysayan ang naging pagkikita ng dalawa sa Naga.
“Pagpapasalamat lamang sa sumusuporta sa kanyang mahal na lungsod at bayan.
“Ang balimbing ay iiwan ang tapat na samahan para sa pangsariling kapakanan,” aniya pa.
“Ang nagmamalasakit ay lalagay sa tama, lalo kapag na-traydor, at higit lalo kung para sa kapakanan ng taumbayan.
“Ang plastic ay lahat kinakaibigan para sa sariling kapakanan.
“Ang sibilisado at disente ay nakikitungo at rumerespeto sa sinumang rumerespeto sa kanya nang hindi sinusuko ang prinsipyo,” sabi pa ni Sharon.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com