Thursday , June 4 2026
PLA Air Force Aviation Plane

Sa Zambales
Jet fighter pilot ng China tiklo sa pag-eespiya

KINOMPIRMA ni National Security Adviser Eduardo Año ang ginawang pag-aresto sa isang Mongolian national na nag-enroll sa isang aviation school sa Zambales ngunit inilihim ang pagiging jet fighter pilot ng People’s Liberation Army (PLA) ng China.

Kinilala ang naarestong Mongolian na si Boldbaatar Bold-Erdene, 30 anyos, dinampot noong 12 Pebrero sa isang aviation school sa Brgy. Lipay, Dingin, Iba, Zambales.

“The said foreign national who enrolled as an aviation student concealed his military background and service with the People’s Liberation Army, especially his jet fighter license from the PLA Air Force Aviation University,” bahagi ng pahayag ni Año nitong Martes, 17 Pebrero.

“Such non-disclosure constitutes a serious violation of Philippine immigration laws. Moreover, his presence and actions in Zambales near vital military locations are clearly inconsistent with his purpose of stay in the country,” dagdag ng National Security Adviser.

Lumitaw sa record ng Bureau of Immigration (BI) na si Bold-Erdene ay graduate ng Defense University at Civil Aviation University of China.

Inaresto ang naturang Mongolian nang magsagawa ng aerial photography sa Iba Airport at Palauig River, na may layong five nautical miles mula sa airport, habang nagsasagawa ng flight exercises.

Dinampot si Bold-Erdene ng mga tauhan ng Philippine Army, Philippine National Police (PNP) at iba pang intelligence units ng pamahalaan. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …

Kiko Barzaga

Barzaga pinatalsik na, binura pa sa roster ng House of Representatives

BINURA kagabi, Martes, 2 Hunyo 2026, sa roster ng mga miyembro ng Kamara si Cavite …