Thursday , June 4 2026
Norzagaray Bulacan police PNP

2 bagitong motornapper timbog sa Bulacan

NAARESTO ng mga awtoridad ang dalawang lalaking sangkot sa kasong pagnanakaw ng motorsiklo sa Brgy. Poblacion, sa bayan ng Norzagaray, lalawigan ng Bulacan, nitong Martes ng hapon, 17 Pebrero.

Batay sa ulat ni P/Lt. Col. Ismael Gauna, acting chief of police ng Norzagaray MPS, kinilala ang mga naarestong suspek na sina alyas Winston, 39 anyos, residente sa Brgy. Partida, Norzagaray; at alyas Ariel, 34 anyos, residente sa Brgy. Pulong Buhangin, Sta. Maria, Bulacan.

Ayon sa imbestigasyon, naganap ang insidente sa Calumpang Gitna, Brgy. Poblacion, sa bayan ng Norzagaray, nang iwan ng biktima ang kaniyang motorsiklo habang siya ay pupunta sa kliyente.

Sa pagbalik ng biktima sa lugar, naaktohan niya na ang kaniyang motorsiklo ay itinatali ng lubid sa isa pang motorsiklo at mabilis na tinangay ng mga suspek.

Agad na iniulat ang insidente sa barangay at sa pulisya hanggang sa isinagawang pagpapatrolya, napansin ng mga operatiba na nakatalaga sa MBS Bigte ang dalawang lalaki na sakay ng motorsiklo na walang helmet at may hinihila na isa pang motorsiklo.

Dahil dito, pinara ang mga suspek ng mga operatiba at hiningan ng mga kaukulang dokumento, ngunit hindi sila nakapagpakita ng kahit anong papeles.

Dinala ng mga operatiba ang dalawa para sa beripikasyon kung saan kinilala ng mga barangay tanod ang isang motorsiklo na ang nawawalang sasakyan na kinompirma rin ng may-ari nang dumating sa himpilan.

Ang mga naarestong suspek ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Norzagaray MPS habang inihahanda ang kasong paglabag sa RA 10883 o Anti-Carnapping Act. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …

Kiko Barzaga

Barzaga pinatalsik na, binura pa sa roster ng House of Representatives

BINURA kagabi, Martes, 2 Hunyo 2026, sa roster ng mga miyembro ng Kamara si Cavite …

PNP PRO3 Central Luzon Police

Sa Pampanga at Nueva Ecija
DALAWANG HIGH-VALUE TARGET TIMBOG SA P2.7-M HALAGA NG SHABU

DALAWANG high-value individuals ang naaresto sa pinaigting na kampanya ng Police Regional Office 3 (PRO3) …

Sibuyas Onions

₱35.4-M puslit na sibuyas nakompiska sa Nueva Ecija masterminds tinutugis

LABIS sa ₱35.4 milyong halaga ng pinaghihinalaang puslit na sibuyas ang nakompiska sa isang cold …