Thursday , June 4 2026
Bureau of Immigration, Modernization, Technology

Overstaying na Briton timbog sa Romblon

ARESTADO sa pinagsanib na operatiba ng Romblon Police at Bureau of Immigration (BI) ang isang British national dahil sa pagiging overstaying sa bansa sa isinagawang operasyon sa isang resort sa lalawigan ng Romblon nitong Lunes ng hapon.

Kinilala ang dinakip na dayuhan na si Andrew Charles Beaumont, 48 anyos, dating guro at nagtatrabaho bilang isang scuba instructor sa Romblon.

Bandang 4:30 ng hapon nang masakote si Beaumont sa resort sa Sta. Fe, Romblon kaugnay ng kasong paglabag sa Republic Act No. 613, o ang Revised Immigration Act of 1940.

Ang nasabing Briton ay tubong Hull, Yorkshire, England, pansamantalang nanunuluyan sa Brgy. Agpudlos, San Andres, Romblon.

Ayon sa Romblon Police, base sa tala ng BI, si Beaumont ay dumating sa Filipinas noong 19 Setyembre 19 ,2022 bilang isang dayuhang turista pero hindi ito lumabas ng bansa.

Nag-expire ang pinalawig na pananatili ng Briton sa Filipinas noong 17 Nobyembre 2023 kaya ikinokonsidera na siyang overstaying alien.

Pansamantalang isinailalim sa kustodya ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Romblon si Beaumont na nakatakdang i-turnover sa BI Fugitive Search Unit kaugnay ng kasong kinakaharap nito at deportasyon.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …

Kiko Barzaga

Barzaga pinatalsik na, binura pa sa roster ng House of Representatives

BINURA kagabi, Martes, 2 Hunyo 2026, sa roster ng mga miyembro ng Kamara si Cavite …

PNP PRO3 Central Luzon Police

Sa Pampanga at Nueva Ecija
DALAWANG HIGH-VALUE TARGET TIMBOG SA P2.7-M HALAGA NG SHABU

DALAWANG high-value individuals ang naaresto sa pinaigting na kampanya ng Police Regional Office 3 (PRO3) …

Sibuyas Onions

₱35.4-M puslit na sibuyas nakompiska sa Nueva Ecija masterminds tinutugis

LABIS sa ₱35.4 milyong halaga ng pinaghihinalaang puslit na sibuyas ang nakompiska sa isang cold …