Thursday , June 4 2026
Diane Marie Mollenido John Ysmael

3 suspek sa Mollenido slay sinampahan ng kasong Murder

DALAWANG bilang ng kasong murder ang inihain sa Quezon City Prosecutors’ Office laban sa tatlong suspek sa pamamaslang sa mag-inang Senior Master Sgt. Diane Marie Mollenido at anak na si John Ysmael sa Quezon City.

Walang inirekomendang piyansa ang QC court laban sa mga akusadong mag-asawang Christian at Pia Katrina Panganiban at kanilang helper na si Gil Dy, Jr.

Ang pagsasampa ng kaso ng QC Police District (QCPD) laban sa mga suspek ay isinulong makaraang makakuha nang matitibay na ebidensiya na nagdidiin sa mga akusado na may kinalaman sa pagpatay sa mag-ina noong 16  Enero 2026 na sinabing nag-ugat sa bentahan ng sasakyan.

Tinanggal ng korte ang pangalan ng kapatid ni Christian na si Maribel Panganiban sa listahan ng mga akusado. Itinuturing siyang ordinary witness sa kaso samantala ang asawa ni Mollenido na si Police Senior Master Sergeant John Mollenido na ikinonsiderang person of interest ay hindi na rin isinama sa talaan ng mga nasa likod ng krimen, makaraang paboran ng korte ang mosyon na alisin siya bilang respondents sa kaso.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …

Kiko Barzaga

Barzaga pinatalsik na, binura pa sa roster ng House of Representatives

BINURA kagabi, Martes, 2 Hunyo 2026, sa roster ng mga miyembro ng Kamara si Cavite …

PNP PRO3 Central Luzon Police

Sa Pampanga at Nueva Ecija
DALAWANG HIGH-VALUE TARGET TIMBOG SA P2.7-M HALAGA NG SHABU

DALAWANG high-value individuals ang naaresto sa pinaigting na kampanya ng Police Regional Office 3 (PRO3) …

Sibuyas Onions

₱35.4-M puslit na sibuyas nakompiska sa Nueva Ecija masterminds tinutugis

LABIS sa ₱35.4 milyong halaga ng pinaghihinalaang puslit na sibuyas ang nakompiska sa isang cold …