MATABIL
ni John Fontanilla
EKSAKTONG Araw ng mga Puso, February 14, 2026 naganap ang matagumpay na launching ng dalawang music video ni JMRTN ng REtroSPECT sa kanyang Co-Love Music Video Launch na ginanap sa Hippodrome Bar & Lounge ng Winford Resort & Casino Manila.
Ipinarinig ni JMRTN ang kanyang dalawang bagong awitin kasama ang collaboration song nila ni Rachel Alejandro, ang Ang Una Sa Huli, na inirecord sa Mansion Recording Studios sa New York City. Composed and produced by JMRTN, katuwang ang producer, arranger at media composer na si Miguel Cortes.
Ang nasabing music video ay kinunan sa Manila ng JF Production Concepts.
Ang pangalawang awitin ay ang Kung Wala Ka Na na mula naman sa komposisyon ni Otek Lopez at co-produced ni JMRTN. Recorded at Scout Haus Studios in Quezon City, arranged by Michael Casanova and audio-mastered and mixed by Miguel Cortes na ang music video ay kinunan sa Toronto, Canada.
Ang Una Sa Huli at Kung Wala Ka Na ay available na sa lahat ng major streaming platforms worldwide through JARO Productions USA at Godspeed Music Entertainment.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com