PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus
MARAMI pa ring netizen ang nagkukompara sa mga naging asawa nina Sexbomb Izzy Trazona at Sunshine Garcia.
Pumutok kasi ang mga usapin nang lumabas na parang kinokontrol umano ng dating aktor na si Alvin Aragon si Izzy na magbalik showbiz at maging parte nga uli ng Sexbomb concert series here and abroad soon.
Kahit ang transman na anak ni Izzy ay nadawit na sa eskandalo lalo’t may usaping “religion” at moral values na gusto raw i-impose nina Izzy at Alvin.
Kaya nga raw nagsariling buhay na itong si Andrei na ngayo’y Sofie na.
Kahit ang source ng kabuhayan nina Izzy at Alvin ay napag-uusapan na ngayon, in contrast sa umano’y lantad naman daw na kabuhayan nina Sunshine at asawa nitong si Alex Castro na Vice Gov. Bulacan.
Dati ring artista si Alex bago naging politiko at base sa mga lumalabas na socmed activities/updates nila, suportado nila ang career ng bawat isa. Isang bagay daw na tila wala kay Alvin, kaya sila naikukompara.
At dahil dito hindi pa rin tumitigil ang mga hanash ng socmed netizen na para bang maraming alam sa mundo.
Sey pa ng mga ito, “Politics, religion and showbiz kasi,” kaya’t tayo na lang daw po ang mag-analyze kung bakit may mga kaganapang good PR, good brand, positive image at iba pang ginagamit para tumaas ang face values ng bawat isa.
Aguy!!
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com