Thursday , June 4 2026
Bustos Bulacan

P.1-M+ dao lumber nasamsam; 2 tiklo sa Bustos, Bulacan

NASAKOTE ang dalawang lalaking miyembro ng PNP-Maritime Group sa ikinasang anti-illegal logging operation sa Brgy. Poblacion, sa bayan ng Bustos, lalawigan ng Bulacan nitong Linggo, 15 Pebrero.

Sa bisa ng search warrant mula Malolos City RTC, sinalakay dakong 11:34 ng umaga kahapon ang isang compound sa naturang barangay kung saan natagpuan ang tatlong piraso ng Dao lumber na walang maipakitang kaukulang dokumento mula sa DENR, kaya agad itong kinompiska.

Ang Dao lumber ay mula sa malaking puno ng Dracontomelon dao, isang katutubong puno sa Filipinas na kilala bilang katamtaman hanggang sa mabigat na kahoy na may magandang grain o pattern.

Karaniwan itong ginagamit sa paggawa ng matitibay na muwebles, cabinet, flooring, pinto, at interior finishes dahil sa kaakit-akit nitong kulay.

Sa ulat, kinilala ng mga awtoridad ang mga naarestong suspek na sina alyas Ed at alyas Den na nakompiskahan ng aabot sa 1,063 board feet ng Dao lumber na tinatayang nagkakahalaga ng P103,162.

Dinala ang dalawang naaresto sa Northern NCR MARPSTA para sa imbestigasyon habang nasa kustodiya na ng DENR-PENRO Bulacan ang mga troso.

Kasalukuyang inihahanda ang kaukulang kaso laban sa dalawang suspek na isasampa sa piskalya. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …

Kiko Barzaga

Barzaga pinatalsik na, binura pa sa roster ng House of Representatives

BINURA kagabi, Martes, 2 Hunyo 2026, sa roster ng mga miyembro ng Kamara si Cavite …

PNP PRO3 Central Luzon Police

Sa Pampanga at Nueva Ecija
DALAWANG HIGH-VALUE TARGET TIMBOG SA P2.7-M HALAGA NG SHABU

DALAWANG high-value individuals ang naaresto sa pinaigting na kampanya ng Police Regional Office 3 (PRO3) …

Sibuyas Onions

₱35.4-M puslit na sibuyas nakompiska sa Nueva Ecija masterminds tinutugis

LABIS sa ₱35.4 milyong halaga ng pinaghihinalaang puslit na sibuyas ang nakompiska sa isang cold …