RATED R
ni Rommel Gonzales
GIGIBAIN na ngayong taon ang compound ng ABS-CBN na naibenta na.
At kasama sa made-demolish ay ang Dolphy Theater at alam ni Eric Quizon ang tungkol dito.
“I know by August. Yeah, I was told. Wala na, naibenta na, eH. So, gigibain talaga ‘yun,” pahayag ni Eric nang makausap namin sa grand opening ng JuanMeds Pharmacy sa Lemon Square, sa EDSA Quezon City.
Ang bagong studio ng ABS-CBN ay sa Bulacan at sa pagkakaalam ni Eric ay magkakaroon din doon ng Dolphy Theater.
“Alam ko may plans sila na ilipat ‘yung theater doon. Kasi, dine-develop pa rin naman talaga nila ‘yun.”
Kaya hindi pa sigurado si Eric kung ibibigay sa kanya ang hinihingi niyang insignia na nakalagay sa labas ng gigibaing Dolphy Theater na may mukha ng namayapa niyang ama.
“‘Yung insignia, the signage? Hinihingi ko kay Tita Cory [Vidanes]. Sabi niya, ‘Tingnan natin, Eric, kasi baka gagamitin din namin ‘yan.’
“They might put up another Dolphy Theater in Bulacan.
“So, may ganoon naman sila.
“Sabi ko, ‘Kapag (hindi na gagamitin) ano, ha? Akin na lang ‘yan (signage),’” kuwento pa ni Eric.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com