Thursday , June 4 2026
PSC Philippine Sports Commission Hall of Fame

PSC binuksan nominasyon para sa 5th batch ng Hall of Fame; Deadline: 15 Marso 2026 

PANGUNGUNAHAN ng Philippine Sports Commission (PSC) sa ilalim ng pamumuno ni Chairman Patrick Gregorio ang paghahanap ng mga bagong madadagdag sa patuloy na lumalaking listahan ng mga alamat at natatanging Filipino sa larangan ng palakasan.

Itinatag ang Philippine Sports Hall of Fame noong 1999 sa pamamagitan ng Republic Act No. 8757 na nilagdaan ng dating Pangulong Joseph E. Estrada.

Ang unang batch ng mga pinarangalan ay iniluklok noong 2010 na may 10 atleta, sinundan noong 2016 na may 17 pangalan, noong 2018 na may panibagong 10, at noong 2021 na may 10 rin, kaya umabot na sa kabuuang 47 ang mga naitalagang inductees.

Kabilang sa mga pangalan na nasa talaan ng mga pinarangalan ay sina Simeon Toribio, Miguel White, Caloy Loyzaga, Ceferino Garcia, Pancho Villa, Gabriel Elorde, at Teofilo Yldefonso noong 2010; Mona Sulaiman, Ed Ocampo, Kurt Bachmann, Eugene Torre, Felicisimo Ampon, at Johnny Jose noong 2016; Lydia de Vega-Mercado, Filomeno Codiñera, Ambrosio Padilla, Olivia Coo, Paeng Nepomuceno, at Ben Arda noong 2018; at Elma Muros-Posadas, Robert Jaworski, Arianne Cerdena, Leopoldo Serantes, Roel Velasco, Paulino Alcantara, at Eric Buhain noong 2021.

Inianunsiyo ng PSC na bukas na ang nominasyon para sa susunod na batch ng mga iluluklok.

Inaanyayahan ang mga indibiduwal at organisasyon na magmungkahi ng mga karapat-dapat na sports icon bago ang takdang petsa sa 15 Marso 2026. Tatanggapin ang mga nominasyon sa pamamagitan ng Facebook page ng PSC.

Layunin ng Philippine Sports Hall of Fame na “panatilihing buhay ang pamana ng palakasan ng Filipinas at magsilbing inspirasyon sa ating mga kababayan.”

Sa ilalim ng batas, ang maaaring mailuklok ay mga atletang Filipino, coach at trainer na nakapagwagi ng gintong medalya sa alinmang Southeast Asian Games, o pilak na medalya sa alinmang Asian Games, o tansong medalya sa alinmang Olympic o World Games, o naging kampeon sa mundo sa alinmang propesyonal o amateur na kompetisyon sa palakasan.

Bumuo ng pito-kataong selection committee na kinabibilangan nina Gregorio, Philippine Olympic Committee president Abraham Tolentino, MVP Sports Foundation president Al Panlilio, Games and Amusement Board chairman Atty. Francisco Rivera, Tony Lambino ng Ayala Foundation, Inc., Jose “Jop” Malonzo ng Vovinam Federation of the Philippines, at Jarryd Bello ng Pilipinas Curling.

Bahagi ng proseso ang isang review committee na binubuo ng mga beteranong sports journalist, kabilang sina Quinito Henson ng Philippine Star, Al Mendoza ng Business Mirror, Dodo Catacutan ng Spin.ph, Jun Lomibao ng Business Mirror, at Ignacio Dee ng Manila Standard. (PSC ICE/HNT)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Henry Vargas

Check Also

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …

Kiko Barzaga

Barzaga pinatalsik na, binura pa sa roster ng House of Representatives

BINURA kagabi, Martes, 2 Hunyo 2026, sa roster ng mga miyembro ng Kamara si Cavite …

PNP PRO3 Central Luzon Police

Sa Pampanga at Nueva Ecija
DALAWANG HIGH-VALUE TARGET TIMBOG SA P2.7-M HALAGA NG SHABU

DALAWANG high-value individuals ang naaresto sa pinaigting na kampanya ng Police Regional Office 3 (PRO3) …

Sibuyas Onions

₱35.4-M puslit na sibuyas nakompiska sa Nueva Ecija masterminds tinutugis

LABIS sa ₱35.4 milyong halaga ng pinaghihinalaang puslit na sibuyas ang nakompiska sa isang cold …