Thursday , June 4 2026
M4GG People Power 40 Awit at Aksyon Kontra Korapsyon laban kontra korapsyon palalakasin

People Power 40:  
‘Awit at Aksyon Kontra Korapsyon’ laban kontra korapsyon palalakasin

KASAMA ang hangarin na muling buhayin ang diwa ng rebolusyong hindi madugo at mapayapang People Power para palakasin ang kasalukuyang laban kontra korupsiyon, bitbit na ngayon ng People Power 40 Kick-Off Concert na gagawin sa Feb. 21 sa Quezon Memorial Circle ang temang “Awit at Aksyon Kontra Korapsyon.”

Ayon sa Mayors for Good Governance (M4GG) at Kaya Natin! ang konsiyertong ito ay naglalayong ipaalala sa mga Filipino na ang pagkakaisa at tapang na nagbalik ng demokrasya sa bansa noong 1986 ay maaaring gamitin ngayon sa paglaban kontra korupsiyon.

“People Power proved that the Filipino people, when united, can stand up to injustice and demand accountability. This concert is a way to honor that legacy while encouraging citizens, especially the youth, to continue the fight for transparency and good governance,” ayon sa mga organizer.

Sa pamamagitan ng event na ito, mapapalakas ang mensahe na ang paglaban sa korupsiyon ay responsibilidad ng lahat ng mga Filipino.

Tampok sa konsiyerto ang ilan sa mga pinakamahusay na performers sa bansa, kabilang sina Ogie Alcasid, Janno Gibbs, Rivermaya, Ice Seguerra, Ebe Dancel, Pio Balbuena, Morobeats, Elmo Magalona, Arkin Magalona, Chelsea Alley, at Over October.

Magbibigay kulay din sa selebrasyon ang mga stand-up comedians na sina Alex Calleja at Red Ollero, Iza Calzado, Bea Binene, at DJ JhaiHo.

Magsisimula ang pre-show sa ganap na 4:00 ng hapon, habang ang main concert ay mag-uumpisa dakong ng 6:00 ng gabi.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Arrest Shabu

13-anyos arestado sa P6.8-M shabu

MULING nakasamsam ng P6.8 milyong halaga ng shabu mula sa isang lalaking menor de edad …

Lightning Kidlat Boat Sea

Mag-utol na baby, 2 pa tinamaan ng kidlat, pawang sugatan

INOOBSERBAHAN at ginagamot ang mga paso at sugat ng apat katao na magkakaanak kasama ang …

Guho 9-storey bldg sa Balibago, Angeles City, Pampanga

Sa Angeles City
PATAY 20 NA SA GUMUHONG 9-STOREY BLDG

KOMPIRMADONG 20 katao na ang namatay nang pito pang bangkay ang narekober sa gumuhong 9-palapag …

Knife Blood

Mag-asawang senior citizen patay sa anak na may mental health condition

PINAGSASAKSAK hanggang mapatay ng isang 46-anyos lalaki na may kondisyon sa pag-iisip ang kaniyang mga …

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …