I-FLEX
ni Jun Nardo
AMINADO si Heart Evangelista na maarte siyang tao.
“At least, may kinapuntahan ang pagiging maarte ko! Hahaha!” rason ni Heart sa mediacon ng GMAproject niyang Heart World na sa March 7 ang premiere.
Matataon this week ang birthday ni Heart kasabay ng Valentine’s Day. Pero wala siyang engrandeng piging.
“Hindi ako mahilig sa party. Maybe mag-dinner lang kami ng team ko sa bahay.
“Eh sapat na ako sa nangyayari sa buhay ko. I am just grateful at nandito pa rin ako at nakakasama ko kayo.
“Who would ever thought na ang batang 13 years old noon eh mararating ito?
“I just wish my loved ones and friends good health and happy now,” saad pa ni Heart.
Sa bagong season ng show, makakasama ni Heart ang Momnager niyang si Cecille Ongpauco na talaga namang malaking tulong sa buhay niya’t career.
Kalakip ni Heart sa season 2 ang greater passion, wisdom, at courage.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com