Thursday , June 4 2026
Onion Sibuyas Shabu Baril Gun

Prente lang pala  
Ahente kuno ng sibuyas timbog sa boga’t droga

NASAKOTE ang isang lalaki sa isinagawang search warrant operation ng mga awtoridad na nakompiskahan ng baril at hinihinalang shabu sa bayan ng Bongabon, lalawigan ng Nueva Ecija, nitong Martes, 10 Pebrero.

Sa ulat mula kay P/Col. Heryl Bruno, provincial director ng Nueva Ecija NEPPO, isinagawa ang operasyon sa ilalim ng search warrant para sa kasong paglabag sa RA 10591 na inisyu ng Palayan City, Nueva Ecija Regional Trial Court (RTC) Branch 7.

Sa ikinasang operasyon, nadakip ang 40-anyos na suspek ng mga operatiba na napag-alamang ahente ng sibuyas at residente sa Brgy. Santor, sa nabanggit na bayan.

Nakompiska sa operasyon ang isang Colt M1911A1 Cal .45 pistola, ang magasin nito, anim na bala, at limang sachet ng hinihinalang shabu na may bigat na 0.25 gramo at tinatayang nagkakahalaga ng P1,700.

Napag-alamang front ng suspek ang pagiging ahente ng sibuyas upang malayang makapagbiyahe ng ilegal na droga sa Bongabon at karatig-bayan sa Nueva Ecija.

Kasalukuyang nakakulong sa Bongabon MPS custodial facility ang suspek habang inihahanda ang mga kasong paglabag sa RA 10591 at RA 9165 na isasampa laban sa kanya. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Arrest Shabu

13-anyos arestado sa P6.8-M shabu

MULING nakasamsam ng P6.8 milyong halaga ng shabu mula sa isang lalaking menor de edad …

Lightning Kidlat Boat Sea

Mag-utol na baby, 2 pa tinamaan ng kidlat, pawang sugatan

INOOBSERBAHAN at ginagamot ang mga paso at sugat ng apat katao na magkakaanak kasama ang …

Guho 9-storey bldg sa Balibago, Angeles City, Pampanga

Sa Angeles City
PATAY 20 NA SA GUMUHONG 9-STOREY BLDG

KOMPIRMADONG 20 katao na ang namatay nang pito pang bangkay ang narekober sa gumuhong 9-palapag …

Knife Blood

Mag-asawang senior citizen patay sa anak na may mental health condition

PINAGSASAKSAK hanggang mapatay ng isang 46-anyos lalaki na may kondisyon sa pag-iisip ang kaniyang mga …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …