Thursday , June 4 2026
FreaK Accident LRT

23-anyos graduating student patay sa ‘freak accident’ 

ni ALMAR DANGUILAN

SA BIYERNES pa ang a-trese, pero kahapon, Miyerkoles 11 Pebrero, isang matatawag na freak accident ang naganap sa isang LRT station sa Quezon City — patay ang biktima, isang 23-anyos estudyante ng Philippine Christian University (PCU) — na nakitang nahuhulog mula sa ikatlong palapag ng estasyon at nang lumagpak ay nasagasaan pa ng isang kotse.

                Sa ulat ng Project 6 Police Station – Quezon City Police District (PS15-QCPD), naganap ang insidente dakong 10:29 ng umaga nitong Miyerkoles, sa EDSA Fernando Poe, Jr. LRT Station northbound, Barangay Ramon Magsaysay, Quezon City.

Nang matanggap ang impormasyon ng mga tauhan ng PS-15 ay agad na nirespondehan ang nasabing insidente, habang nasa lugar na ang emergency rescue team.

Batay sa imbestigasyon ni P/MSg Romel Bonifacio Militar, nakita ng isang babaeng barker na nahuhulog ang biktimang si alyas Prince, mula sa 3rd floor ng Fernando Poe, Jr. LRT Station sa ground ng EDSA northbound.

Pagkahandusay ng biktima, eksaktong nasagasaan ng humahagibis na MG5 Sedan na minamaneho ng isang 31-anyos lalaking driver.

Sinabing agad huminto ang driver para ipahayag na hindi siya sangkot sa insidente.

Dumating ang mga magulang ng biktima at ayon sa ama, nakatakdang magtapos sa pag-aaral ang anak at walang problemang pang-akademiko.

Ibinahagi niya na nag-usap pa sila ng anak nang umagang iyon at inihatid pa siya sa tarangkahan bago ang insidente.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya kung tumalon o aksidenteng nahulog ang biktima.

Nireresolba rin ang katanungang paano namatay, sa pagkahulog ba mula sa estasyon ng LRT o sa pagkasagasa ng Sedan.  

Bukas, 13 Pebrero, Biyernes, naniniwala man sa pamahiin o hindi, iisa ang dapat tandan: mag-ingat. (ALMAR DANGUILAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …

Kiko Barzaga

Barzaga pinatalsik na, binura pa sa roster ng House of Representatives

BINURA kagabi, Martes, 2 Hunyo 2026, sa roster ng mga miyembro ng Kamara si Cavite …

PNP PRO3 Central Luzon Police

Sa Pampanga at Nueva Ecija
DALAWANG HIGH-VALUE TARGET TIMBOG SA P2.7-M HALAGA NG SHABU

DALAWANG high-value individuals ang naaresto sa pinaigting na kampanya ng Police Regional Office 3 (PRO3) …

Sibuyas Onions

₱35.4-M puslit na sibuyas nakompiska sa Nueva Ecija masterminds tinutugis

LABIS sa ₱35.4 milyong halaga ng pinaghihinalaang puslit na sibuyas ang nakompiska sa isang cold …