Thursday , June 4 2026
Labor Sectors Jobs

Jobless na Pinoy dumami pa
Labor sector kailangan ng reporma – Cayetano

KAILANGAN ang isang agaran at mabilisang reporma sa labor sector.

Ito ang tahasang sinabi ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano nang maglabas ng datos ang Philippine Statistic Authority (PSA) na umakyat sa 2.26 milyong Filipino ang walang trabaho nitong Disyembre 2025 mula sa 2.25 milyon noong Nobyembre kompara noong Disyembre 2024 na nasa 1.63 milyon lamang ang naitalang walang trabahong Pinoy.

Ayon kay Cayetano, kabilang sa kaniyang nakikitang solusyon sa problemang ito ay ang  reporma sa sahod, proteksiyon sa manggagawa, at ang matatagal nang problema sa labor system ng bansa.

Nangangamba sa patuloy na paghihirap ng mga Filipino na makahanap ng matatag na trabaho at sapat na kita na lubhang mapanganib para sa bawat pamilyang Filipino.

Naniniwala si Cayetano na kailangan ang sabayang pagkilos mula sa  pamahalaan, mga manggagawa, at mga employer, lalo na pagdating sa kalidad ng trabaho at makatarungang sahod.

Kaugnay nito, siniguro ni Cayetano na ngayong 20th congress kabilang sa kanyang prioridad na maipasa ang panukalang Executive-Legislative Labor Commission o LabCom Act na naglalayong magtatag ng isang pormal na mekanismo na maaaring magsanib-puwersa ang iba’t ibang sektor upang maghanap ng pangmatagalang solusyon sa mga labor issues.

“This body will convene representatives from Congress, the Executive branch, Micro-Small and Medium-Sized Enterprises (MSMEs), trade and industry, and the labor sector, including the migrant and informal sectors, to collectively pursue sustainable solutions,” ani Cayetano.

Iginiit ng senador, ang labor at employment concerns ay direktang nakaaapekto sa bawat pamilyang Filipino, lalo na kapag napipilitang lumayo ang mga manggagawa sa kanilang pamilya dahil sa mababang sahod at kulang na proteksiyon.

“If ever magkaroon ng Labor Commission, these are exactly the types of issues that we are going to solve,” ani Cayetano.

Naniniwala si Cayetano na  mahalagang punan ang mga puwang sa labor policy upang matiyak na ang pag-usad ng ekonomiya ay ramdam ng karaniwang Filipino, lalo na’t mas mataas pa rin ang unemployment kompara noong nakaraang taon.

“Kung lab (love) natin ang Filipinas, kung lab (love) natin ang ating laborers, kung gusto natin ang mga OFWs na hindi na kailangan mag-abroad, we have to have a labor commission,” dagdag ni Cayetano. (NIÑO ACLAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …

Kiko Barzaga

Barzaga pinatalsik na, binura pa sa roster ng House of Representatives

BINURA kagabi, Martes, 2 Hunyo 2026, sa roster ng mga miyembro ng Kamara si Cavite …