Thursday , June 4 2026
Senate Senado

Lengguwahe ‘pinalambot’
Blue Ribbon Committee report walang binago sa rekomendasyon

ni NIÑO ACLAN

MAS pinalambot ang lengguwaheng ginamit sa ilalabas na committee report ng Senate Blue Ribbon Committee.

Ito ang kinompirma ni Committee Chairman Senador Panfilo “Ping” Lacson sa isang panayam.

Ayon kay Lacson imbes “to be charged” ay preliminary investigation or further investigation ang rekomendasyon laban sa mga kasamahan nilang senador.

Magugunitang sa naunang lumabas na bersiyon ng draft committee report ay inirerekomenda na sampahan ng kaso ang mga senador na sina Joel Villanueva, Jinggoy Estrada, at Francis “Chiz” Escudero.

Binigyang-linaw ni Lacson na kahit ‘pinalambot’ ang lengguwahe batay na rin sa rekomendasyon ng mga miyembro ng mayorya ay hindi pa rin nagbago ang nilalaman ng report.

Inamin ni Lacson na tulad ng mga senador ay ganoon ang rekomendasyon ng komite kina dating Senador Ramon “Bong” Revilla, Jr., dating Ako Bicol Rep. Zaldy Co, at dating Rep. Mitch Cajayon.

Umaasa si Lacson na dahil sa pagbabago ng lengguwahe ng report ay makakukuha siya ng 11 pirma o suporta ng mga miyembro ng komite.

Magugunitang ng paglabas ng unang draft committee report ang isa sa sinasabing dahilan ng pag-ugong ng pagpapalit ng liderato sa senado.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …