Thursday , June 4 2026
Eleazar Barber PNP

Bagong PD ng Rizal, umupo na

PORMAL nang umupo bilang bagong Provincial Director ng Rizal Police Provincial Office (RPPO) si Col. Eleazar Ruga Barber, Jr. at nangangakong panatilihin ang integridad ng Rizal.

Si Col. Barber ay kapalit ni Col. Feloteo Gonzalgo na kilalang maagap sa pamumuno at may maayos na relasyon sa mga mamamahayag.

Isang malaking bentaha kay Col. Barber ang pagiging isang abogado matapos makapasa sa board na nagbigay ng malaking puntos sa bawat operasyon sa 13 bayan at isang lungsod ng Rizal para magkaroon ng tapat na hustisya.

Hindi rin matatawaran ang kanyang karanasan sa security and protection. Mula sa pagbabantay sa House of Representatives hanggang sa paghawak ng RPSPU2 sa Cagayan Valley, malinaw na sanay si Barber sa mabibigat na responsibilidad.

Hamon ngayon kay Barber na panindigan ang mataas na ekspektasyon ng Rizal. Ang simula ay maganda, ngunit ang tunay na sukatan ay kung mapananatili niya ang bagsik laban sa kriminalidad habang pinananatili ang integridad ng Rizal PPO. (VICK AQUINO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …

Kiko Barzaga

Barzaga pinatalsik na, binura pa sa roster ng House of Representatives

BINURA kagabi, Martes, 2 Hunyo 2026, sa roster ng mga miyembro ng Kamara si Cavite …