Thursday , June 4 2026
Manila Operation Birth Right CCRO

Operation Birth Right, inilarga ng Manila LGU

MASAYANG ibinalitani Manila City Civil Registry Office (CCRO) Director Atty. Jaime Tejero, patuloy ang kanilang pagpapaigting ng Operation Birth Right para sa mga residente ng lungsod.

Ipinahayag ito ni Tejero, kasunod ng impormasyon na marami sa mga taga-Maynila ang walang birth certificate, marriage certificate o may mali sa pangalan.

Ani Tejero, inilalapit na nila sa barangay ang pagkuha ng mga birth at marriage certificate na kadalasang sa mismong city hall lamang maipoproseso.

Aniya, maaari nang kumuha ng birth certificate sa mga barangay upang maiwasan na rin ang congestion sa civil registry office.

Ipinatutupad ang Operation Birth Right sa mga barangay upang hindi na gumastos ng pasahe ang mga nais na kumuha ng birth certificate.

Sa ilalim ng pagseserbisyo ng CCRO, bukod sa birth at marriage certificate maaari rin iproseso ang late registration, death certificate, consultation at evaluation ng mga requirements para sa correction of entries sa live birth, marriage at pagpapalit ng pangalan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …

Kiko Barzaga

Barzaga pinatalsik na, binura pa sa roster ng House of Representatives

BINURA kagabi, Martes, 2 Hunyo 2026, sa roster ng mga miyembro ng Kamara si Cavite …