Thursday , June 4 2026
Matteo Guidicelli restaurant accident

Italian resto sa Alabang inararo ng SUV

SINORO ng isang sports utility vehicle (SUV) ang restaurant ng aktor at negosyanteng si Matteo Guidicelli sa Alabang, lungsod ng Muntinlupa, nitong Linggo, 8 Pebrero.

Sa isang post sa Facebook, sinabi ni Guidicelli na naganap ang insidente dakong 4:00 ng hapon kahapon sa Da Gianni Cucina Italiana restaurant sa Westgate Hub, Alabang.

Aniya, bumangga ang sasakyan sa al fresco area ng kanilang restaurant at masuwerteng walang mga kostumer nang maganap ang insidente dahil lahat ng kanilang mga kostumer ay nakaalis na dakong 1:30 ng hapon.

Samantala, dinala sa pagamutan ang dalawang tauhan ng establisimiyento upang sumailalim sa pagsusuri bagaman walang naiulat na malubhang nasugatan.

Aniya, napinsala ng pagbangga ng sasakyan ang labas na bahagi ng kanilang restaurant ngunit nananatiling bukas ang kainan sa loob nito.

Pansamantalang isinara ang al fresco ng kanilang restaurant para sa pagkukumpuni.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …

Kiko Barzaga

Barzaga pinatalsik na, binura pa sa roster ng House of Representatives

BINURA kagabi, Martes, 2 Hunyo 2026, sa roster ng mga miyembro ng Kamara si Cavite …

PNP PRO3 Central Luzon Police

Sa Pampanga at Nueva Ecija
DALAWANG HIGH-VALUE TARGET TIMBOG SA P2.7-M HALAGA NG SHABU

DALAWANG high-value individuals ang naaresto sa pinaigting na kampanya ng Police Regional Office 3 (PRO3) …

Sibuyas Onions

₱35.4-M puslit na sibuyas nakompiska sa Nueva Ecija masterminds tinutugis

LABIS sa ₱35.4 milyong halaga ng pinaghihinalaang puslit na sibuyas ang nakompiska sa isang cold …