Thursday , June 4 2026
Atong Ang

Atong Ang ‘di nagtatago sa amin — Cambodian Foreign Affairs

TALIWAS ito sa naging pahayag ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla, tiniyak ng Cambodian ministry sa isang Facebook post nitong Sabado na hindi nagtatago sa kanilang bansa si Charlie “Atong” Ang.

“The spokesperson of the Ministry of Foreign Affairs and International Cooperation confirms that Charlie Tiu Hay Ang, also known as Atong Ang, who is wanted by Philippine authorities for a series of alleged crimes, is not in Cambodia,” ayon sa pahayag sa isang post sa Facebook page ng Ministry of Foreign Affairs and International Cooperation of Cambodia.

Si Ang ay itinuturing na most wanted at pinaghahanap ng mga awtoridad ng Filipinas matapos ilabas ang warrants of arrest kaugnay ng mga kasong kidnapping at serious illegal detention sa mga nawawalang sabungero.

Binanggit din ang isang ulat mula sa Immigration General Department ng Ministry of Interior of Cambodia na wala silang rekord ng pagpasok o paglabas ni Ang sa kanilang bansa.

Una nang sinabi ni Remulla na may natanggap na impormasyon ang mga awtoridad na maaaring nasa Cambodia si Ang na tumakas sa pamamagitan ng back door kaya nagpadala ng police team para hanapin si Ang.

“This clarification is issued to dispel recent media reports suggesting that Charlie Tiu Hay Ang may be hiding in Cambodia, while a team of Philippine police officers had been dispatched to search for him,” ayon pa sa ministry.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …

Kiko Barzaga

Barzaga pinatalsik na, binura pa sa roster ng House of Representatives

BINURA kagabi, Martes, 2 Hunyo 2026, sa roster ng mga miyembro ng Kamara si Cavite …