Thursday , June 4 2026
Renato Casauay Jr PDEA

Kaya tinodas
CASAUAY ‘MASAKIT SA MATA’

SINASABING iisa ang pinatutunguhang dahilan ng extrajudicial confession ng mga suspek sa pagpatay kay P/Ssg. Renato Casauay, Jr. sa lungsod ng Malolos, sa lalawigan ng Bulacan.

Ito umano ay may kaugnayan sa mga intelligence activity at accomplishments ng biktima laban sa ilegal na droga na apektado ang operasyon ng mga suspek.

Batay sa salaysay ng mga suspek, naging ‘masakit na sa mata’ ang mga aksiyon ni Casauay sa kanilang drug trade, partikular ang mga impormasyong nakakalap nito na humantong sa pagkakasira ng kanilang operasyon.

Ayon kay Bulacan PPO Provincial Director P/Col. Angel Garcillano, ang naturang intelligence activity ang nagtulak kay Julian Salamat na barilin at idispatsa ang biktima sa loob ng isang bakuran malapit sa tahanan ni Oliver Mauricio, na isa rin sa mga naaresto kaugnay ng krimen.

Naniniwala ang mga awtoridad na direktang may kaugnayan ang pagpatay sa matagumpay na anti-illegal drug operation ni Casauay noong Disyembre ng nakaraang taon, kung saan nadakip ang isa sa mga kasamahan ni Salamat.

Sa ulat, napag-alamang si Casauay ay miyembro ng Philippine National Police Drug Enforcement Group (PNP DEG) Special Operations Unit 3.

Naiulat siyang nawawala noong 24 Enero at natagpuan ang kaniyang bangkay noong 30 Enero sa loob ng isang septic tank sa nabanggit na lungsod. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …

Kiko Barzaga

Barzaga pinatalsik na, binura pa sa roster ng House of Representatives

BINURA kagabi, Martes, 2 Hunyo 2026, sa roster ng mga miyembro ng Kamara si Cavite …