Thursday , June 4 2026
Baby Hands

Natakot mahinto sa pag-aaaral 
  Lalaking nursing student pinatay sanggol na anak

SA PANGAMBANG hindi bigyan ng pang-tuition at tuluyang pahintuin sa pag-aaral, pinaslang ng isang 20-anyos lalaking nursing student ang kanyang 30-araw gulang na sanggol na inilagay sa eco bag saka isinilid sa travelling bag sa Cagayan de Oro City, ayon sa ulat kahapon.

Sa ulat ng Cagayan de Oro City Police, nadiskubre noong Martes ang sanggol na hinihinalang namatay sa suffocation. Inilagay ang sanggol sa loob ng eco bag saka ipinasok sa travelling bag sa boarding house ng nasabing nursing student.

Sa imbestigasyon, nabatid na itinago ng suspek sa kaniyang mga magulang na nabuntis niya ang kanyang girlfriend at nanganak ng isang sanggol na babae.

Sinabi ng ina ng sanggol, taga-Misamis Oriental, hiniram ng nobyo ang kanilang anak para umano ipakita sa kaniyang mga magulang ang kanilang apo.

Ngunit hindi makontak ang nobyo dahil naka-blocked sa kaniyang social media account ang ina ng bata at maging ang kontak sa telepono.

Bunsod into, napilitan ang babae na isumbong sa pulisya ang insidente.

Agad nagsagawa ng operasyon ang mga awtoridad para puntahan ang boarding house ng suspek.

Nagulantang ang mga pulis matapos madiskubreng patay na ang sanggol sa loob ng ecobag saka inilagay sa travelling bag at posibleng plano ng suspek na itapon nang madatnan ng mga awtoridad.

Inamin ng suspek na nagawa niyang patayin ang kanyang sanggol dahil sa takot na mahinto siya sa kaniyang pag-aaral sa kursong nursing.

Nahaharap ang suspek sa kasong parricide at ngayo’y nakapiit sa detention cell ng pulisya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Sibuyas Onions

₱35.4-M puslit na sibuyas nakompiska sa Nueva Ecija masterminds tinutugis

LABIS sa ₱35.4 milyong halaga ng pinaghihinalaang puslit na sibuyas ang nakompiska sa isang cold …

Arrest Shabu

13-anyos arestado sa P6.8-M shabu

MULING nakasamsam ng P6.8 milyong halaga ng shabu mula sa isang lalaking menor de edad …

Lightning Kidlat Boat Sea

Mag-utol na baby, 2 pa tinamaan ng kidlat, pawang sugatan

INOOBSERBAHAN at ginagamot ang mga paso at sugat ng apat katao na magkakaanak kasama ang …

Guho 9-storey bldg sa Balibago, Angeles City, Pampanga

Sa Angeles City
PATAY 20 NA SA GUMUHONG 9-STOREY BLDG

KOMPIRMADONG 20 katao na ang namatay nang pito pang bangkay ang narekober sa gumuhong 9-palapag …

Knife Blood

Mag-asawang senior citizen patay sa anak na may mental health condition

PINAGSASAKSAK hanggang mapatay ng isang 46-anyos lalaki na may kondisyon sa pag-iisip ang kaniyang mga …