Thursday , June 4 2026
Bangkay ng nawawalang pulis natagpuan sa septic tank

Sa kaso ng pulis sa septic tank
‘Gunman’ nasakote sa Tagum, 2 suspek sumuko sa Bulacan

ARESTADO ang hinihinalang gunman sa insidente ng pagpaslang sa isang pulis na ang bangkay ay ibinaon sa septic tank sa Malolos City, Bulacan noong 24 Enero, sa isinagawang follow-up operations sa Tagum City, Davao del Norte habang dalawa sa mga suspek ay sumuko sa mga awtoridad, iniulat kahapon.

Ito ay makaraang ianunsiyo ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla ang P1 milyong pabuya para sa makapagbibigay ng impormasyon sa ikaaresto ng mga suspek.

Sa report ni Police Regional Office (PRO) 3 Director P/Brig. Gen. Ponce Rogelio Peñones, Jr., kinilala ang nasakoteng suspect na si Julian Salamat, alyas Mon, itinuturong gunman na pumaslang sa biktimang si P/StaffSergeant Renato Casauay, Jr., operatiba ng Philippine Drug Enforcement Group (PDEG).

Ang bangkay ng biktima ay narekober sa septic tank sa isang bakanteng lote sa Felicisima Village, Brgy. Mojon, Malolos City.

Samantala, ang dalawa pang suspek na sina Egoy mula sa Ilagan, Isabela ay sumuko sa Bulacan Provincial Intelligence Unit sa tulong ng mga magulang nito. Kasunod nito, sumuko ang isa pang suspek na si alyas Marvin.

Narekober ang motorsiklo ni Casauay sa bahay ni alyas Jaco na una nang nasakote kasama ang tatlo pang suspek na sina Bino, alyas Sampol at P/Corporal Vivencio Abalos.

Ayon sa mga awtoridad, ang mga sumukong suspek ay kabilang sa mga nagsabwatan sa pagpatay kay Casauay. Sina Bino, Jaco, Sampol, at Abalos ay pawang nasa crime scene nang mangyari ang pagpaslang at nasakote matapos na marekober ang bangkay ng biktima.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …

Kiko Barzaga

Barzaga pinatalsik na, binura pa sa roster ng House of Representatives

BINURA kagabi, Martes, 2 Hunyo 2026, sa roster ng mga miyembro ng Kamara si Cavite …