Thursday , June 4 2026
Bambol Tolentino POC
Si Philippine Olympic Committee president Abraham “Bambol” Tolentino (HNT file photo)

Tolentino naniniwalang PH sa Winter Olympics  “Walang imposible!”

MALINAW ang pananaw si Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham “Bambol” Tolentino habang nagpapadala ang Filipinas ng dalawang atleta sa 25th Winter Olympics sa Milan at Cortina, Italy: “Walang imposible!”

Ayon kay Tolentino, lumipad patungong Italy kahapon upang sumama sa delegasyon ng Filipinas, ang pagkapanalo ng bansa ng tatlong gintong medalya sa huling dalawang edisyon ng Summer Olympics ay patunay na kayang magtagumpay ng mga atletang Filipino saan mang panig ng mundo.

“Napatunayan na namin na posible ito,” sabi ni Tolentino habang inaabangan ang edisyong ito ng Winter Olympics na opisyal na magsisimula ngayon, kung saan lalahok ang 2,871 atleta mula sa 92 bansa.

Ang mga alpine skier na sina Francis Ceccarelli, 22, at Tallulah Proulx, 17, ang magdadala ng bandila ng Filipinas. Unang sumali ang bansa sa Winter Olympics noong 1972 sa Sapporo, Japan, na may dalawang atleta rin.

Hindi pa nakakukuha ng medalya ang Filipinas sa Winter Olympics, ngunit nagwagi ng gintong medalya sa Asian Winter Games sa men’s curling sa Harbin, China noong nakaraang taon. Gayonman, kapos sa puntos ang nasabing koponan upang makapasok sa Winter Olympics ngayong taon.

Sinabi ni Tolentino, ang mga ginintuang sandali ng bansa sa 2020 at 2024 Summer Olympics sa Tokyo at Paris—sa pangunguna nina weightlifter Hidilyn Diaz Naranjo at gymnast Carlos Yulo—kasama ang buong suporta ng Philippine Sports Commission (PSC) sa ilalim ni chairman Patrick Gregorio, ang magsisilbing lakas ng loob ng delegasyon sa Milan at Cortina.

“Singhirap ng Summer Olympics ang Winter Olympics. Pero nagawa na natin ito dati,” dagdag ni Tolentino.

Sasabak sina Ceccarelli at Proulx sa men’s at women’s alpine skiing (giant slalom at slalom) sa 14-15 Pebrero, ayon sa pagkakasunod.

“Hangga’t naniniwala tayo, kaya at magtatagumpay ang ating mga atleta,” sabi ni Gregorio. (POC/HNT)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Henry Vargas

Check Also

Alan Peter Cayetano Senate Minority Bloc

Sa minority bloc  
‘KALAYAAN’ NG SENADO IPAGTANGGOL – SP ALAN

NANAWAGAN si Senate President Alan Peter Cayetano sa minority bloc na makiisa sa pagtatanggol sa …

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …

Kiko Barzaga

Barzaga pinatalsik na, binura pa sa roster ng House of Representatives

BINURA kagabi, Martes, 2 Hunyo 2026, sa roster ng mga miyembro ng Kamara si Cavite …

PNP PRO3 Central Luzon Police

Sa Pampanga at Nueva Ecija
DALAWANG HIGH-VALUE TARGET TIMBOG SA P2.7-M HALAGA NG SHABU

DALAWANG high-value individuals ang naaresto sa pinaigting na kampanya ng Police Regional Office 3 (PRO3) …