MATABIL
ni John Fontanilla
ZERO ang lovelife ni Kim Rodriguez dahil mas gusto nitong tutukam ang career.
Kuwento ni Kim sa mediacon ng pelikulang Batang Paco, “Parang ngayon wala, ayoko muna i-rush ang mga bagay -bagay, kung darating, darating naman ‘yan.
“Kung andyan na ‘yan, ‘di mo na mapipigilan ‘yan. Pero sa ngayon ayoko muna. Mas gusto ko munang mag-concentrate sa career ko.”
Dagdag pa ng dalaga, “May mga nali-link, pero ‘di totoo, nali-link lang.”
At kahit single ay happy naman si Kim at abala sa kanyang restaurant business.
Ginagampanan ni Kim sa Batang Paco ang role ni Brandy na seksing sekretarya ni Ai Ai delas Alas.
Ayon kay Kim kinabahan siya nang maka-eksena ang komedyante lalo na’t first time niya itong nakatrabaho.
“Grabe kinabahan talaga ako noong first shooting ko, tapos kaeksena ko kaagad si Miss Ai Ai.
“Kasi kami ‘yung laging magkasama, kasi secretary niya ako sa movie.
“Noong una ang lamig-lamig ng kamay ko sa kaba, pero mabait si Ms Ai, kinakausap niya ako. Kaya simula noon, medyo kumalma ako at naging okey na at unti-unting nawala ang kaba ko.
“Kaya noong mga sununod na shooting wala na masyadong kaba,” wika pa ng seksing aktres.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com