HARD TALK
ni Pilar Mateo
WHEN it comed to doing advocacies, aangat talaga ang ngalan ng isang Dr Michael Raymond Apacible Aragon.
Sinubukan na rin niyang gunawa ng pelikula with the Raymundo Brothers (Lance and Rannie) at the helm.
This time, pag-aalaga naman ng mga talento ang sinimulan sa pamamagitan ng tatlong neneng kikilalanin din bilang Parfum 3.
May kinalaman na sa saalangan nilang pelikula na isasama ni Doc Ramon sa vertical series ng Viva. Mala-Charlie’s Angels ang gustong mangyari ni Doc sa kanyang tatlong bagong alaga.
Not for fame. Not for money.
Dahil ang tatlong dilag ang magiging mouthpiece ng baby boomer na si Doc sa mga Gen Z o kabataang kaedad ng tatlo.
Kaya naging ambassadress na rin sila ng Knights of Rizal na commanding officer si Doc. Na magsasabuhay ng mga turo nito simula sa kanyang panahon na naniwala na “ang kabataan ang pag-asa ng bayan.”
Makulit ang utak ni Doc. Parang makinang sabay-sabay naglisawan ang mga idea.
Kaya ang paraan ng pagsasayaw, pagkanta, at pag-arte ang magigng boses ng Parfum 3.
Dahil sa adbokasiya ni Doc na inilunsad para sa kapakanan ng mga batang bagong silang. Sa kanyang Children’s First 1000 Days of Life Project. Sa ilalim ng Alay sa mga Nanay.
Dito hindi libreng gatas para sa mga sanggol ang ipamamahagi ng Knights of Rizal dahil may batas na sa bagay na ito. At bibigyan ng gatas para maalagaan ang mga sanggol na ipinagbubuntis pa lang ay ang mga ina.
Nakipag-ugnayan na si Doc kay Mayor Isko Moreno ng Maynila para sa mga kagampang mga ina para maalagaan.
Kaya sa plano ni Doc na benefit concert na magaganap sa Pebrero 7, 2026 sa Manila Hotel, na ang babyboomers ng kanilang panahon na Rainmakers ang itatampok. Sila ang nagpasikat sa awiting Binibini.
At ang Parfum 3 ang kanilang makakasama sa special pre-Valentine benefit concert.
Handa na rin ang mga orihinal na komposisyon ng mga dilag na maririnig ng mga manonood.
Opo. Saglit na nagkaroon ng hidwaan kina Doc at ng Viva ng kinailangan nitong ipaglaban ang karapatan ng mga batang manonood sa mga palabas na may adult content na naaabot nila.
Naayos na raw ‘yun. Pati na ang usapin kay Vice Ganda at Toni Fowler at iba pang sexy stars. Na karamihan nga ay sasama pa sa mga wholesome na pelikulang gagawin ni Doc.
Sa kalagitnaan ng taon, iikutin nina Doc at ng girls niya ang buong Mindanao para sa kanyang advocacy.
Nagpamalas na ng husay nila sina Zai, Duna, at Queen sa idinaos na presscon para sa naturang proyekto pati na sa zoom meet up nila with their tito’s and tita’s sa media.
Nasa Bicol ang ikatlong bubuo sa kanila. Pero sinisiguro ni Doc na may pasabog din itong bitbit sa sandaling makilala na sa kanilang serye ang P.A.R.F.U.M. (Pan Alliance of Righteous Forces to Unite Mankind).
Kaabang-abang, ha!
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com