MA at PA
ni Rommel Placente
NAIMBITAHAN si Paulo Avelino sa Sinulog Festival sa Cebu City minus Kim Chiu.
During the parade, hinahanap sa kanya ng mga tao ang ka-loveteam.
Ang sagot ni Paulo, nasa noontime show nila si Kim.
Pansin ng mga netizen, kakaiba ang mga ngiti ni Paulo kapag nababanggit ang pangalan ni Kim. May halong kilig na halatang in love kay Kim.
Sabi ng isang netizen, “’Yung mga ngiti ni Paulo, ang tamis kapag nababanggit name ni Kim.”
Sabi naman ng isa pa, “Loveyou KimpPau. Blessed forever.”
“Sana umamin na sila. Halata naman sila na,” ayon naman sa isa pa.
“Hahaha may pakindat pa si Paulo. Nalilito siya sa isasagot ‘pag naririnig ang pangalan ni Kim,” ang sey naman ng isa pa.
Marami namang nagwapuhan kay Paulo ng first time siyang makita ng personal.
Sabi ng isang fan sa salitang Cebuano, “kagwapo naman lang jud ni Paulo.”
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com