Thursday , June 4 2026
Manuel Bonoan

Sa takot maaresto sa Estados Unidos
Ex-DPWH Sec. Bonoan lumipad pabalik ng bansa

SA PANGAMBANG maipaaresto ng Senado si dating Department of Public Works and Highways (DPWH)  Secretary Manuel Bonoan ay agad lumipad pabalik ng Filipinas mula sa Estados UNidos ang dating opisyal upang makadalo sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee ukol sa mga katiwalian sa flood control projects.

Sa isang panayam, sinabi ni Bonoan na natakot siyang ma-contempt ng senado kung kaya’t pinilit niyang makadalo sa pagdinig.

Si Bonoan ay nasa Estados Unidos upang samahan ang kanyang asawa na sinabing nagpapagamot sa hindi mabatid na karamdaman.

Nauna nang nagbanta si Senador Panfilo “Ping” Lacson, chairman ng committee na handa niyang irekomenda kay Senate President Vicente “Tito” Sotto III ang pagpapalabas ng warrant of arrest sa mga indibiduwal na iisnabin ang imbitasyon ng Senado.

Kaugnay nito, nagpalabas ng show cause order ang senado para kina Commission on Audit (COA) Commissioner Mario Lipana, DPWH Regional Dir. Region V Virgilio Eduarte, Bulacan 1st District Engr. Arjay Salvador Domasig, dating Ako Bicol Partylist Rep. Zaldy Co, John Paul Estrada, Mark Tecsay, dating Security Consultant ni dating Rep. Co na si Orly Guteza, Marie Melody Canlas, at Jonalyn Mercado.

Dalawang araw ang ibinigay ng Senado sa mga pinaldahan ng show cause order upang magpaliwanag kung bakit hindi sila dapat labasan ng warrant of arrest.

Sa sandaling hindi makombinsi ang senado sa mga paliwanag at mabigong dumalo sa susunod sa pagdinig ay hahainan sila ng warrant of arrest upang dalhin sa senado para dumalo sa pagdinig. (NIÑO ACLAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …