Friday , January 9 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Dustin Yu Bianca De Vera Kinakabahan Lily

Dustin may inamin sa kanila ni Bianca

MA at PA
ni Rommel Placente

SA isang interview ni Dustin Yu, tinanong siya kung sino ang pinaka- close sa kanya noonh naging housemate siya sa Bahay Ni Kuya?

 Ang sagot niya, “Ang pinaka-close ko, si Bianca (de Vera) talaga.

“Siya ‘yung talagang tunay kong naging kaibigan.

“Siya ‘yung lagi kong kasama sa Bahay ni Kuya kaya lagi kaming nino-nominate,” natatawang sabi ni Dustin.

Maraming nagsasabi na may something na talaga kina Dustin at  Bianca. Katibayan na nga nang ipakilala nila ang isa’t isa sa kani-kanilang pamilya.

Ano na nga ba talaga ang status ng relasyon nila ni Bianca?

Friends,” sagot ni Dustin.

Sundot na tanong sa binata, kung anong level na ng frienship mayroon sila ni Bianca?

Sagot ni Dustin, “‘Yung pinakamataas na level.”

Dugtong pa niya, “Happy ako ‘pag kasama ko siya.”

Aminado naman si Dustin na crush niya noon pa si Ivana Alawi. Pero kung papipiliin siya between Bianca and  Ivana, mas pipiliin niya ang huli.

Crush niya lang kasi si Ivana, pero mas attracted siya kay Bianca.

Nakaka-attract naman kasi talaga si Bianca,” lahad pa niya.

Siguradong magbubunyi sa galak ang mga faney nina Dustin at Bianca dahil sa sinabing ito ni Dustin.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

MMFF 2025 Movies

MMFF hindi contest para magpaligsahan, presyo ng tiket ‘wag sisihin 

I-FLEXni Jun Nardo HUWAG problemahin kung hindi nahigitan ng 51st Metro Manila Film Festival movies ang nakaraang …

Andrew Gan

Andrew Gan, patuloy sa pagratsada sa kaliwa’t kanang projects

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISA si Andrew Gan sa mga aktor na hindi nawawalan …

Barbie Forteza P77

P77 mapapanood na sa Prime Video

RATED Rni Rommel Gonzales SIMULA January 8 ay mapapanood na sa Prime Video ang psychological horror film …

Wish Upon a NUSTAR

NUSTAR Online inilunsad ang Wish Upon a NUSTAR

SA buong taong 2025, itinaguyod ng NUSTAR Online ang kahusayan ng mga Filipino sa pamamagitan ng maayos …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …