Thursday , March 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED R
ni Rommel Gonzales

NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha Ponti sa Music Museum.

Kung noon ay madalas silang mapanood sa mga front act ng mga mas established singer, ngayon ay may sarili ng concert ang dalawa.

Ano ang puwede nilang ipakita sa first major concert nila?

“Aside rin po sa pagiging Bossa Nova genre ko po, makikita po nila sa concert na may mga  dance po kami so, abangan po nila iyon,” lahad ni Andrea.

May mga makikita po kayo na hindi pa po namin nagagawa. Surprise po,” at tumawa si Andrea.

Lahad naman ni Isha, “The thing is po, when we were just front acts we were limited to the songs na ibinibigay sa amin or ‘yung mga recommended na genre, but now we’re more on focusing on our branding na, as artists, individual artists, like ate Andrea, she’s the Bossa Nova Princess and I’m the Pop Sweetheart.

“So iyon po, nag-focus na lang kami to what we are good at talaga.”

Matindi ang paghahanda nila para sa kanilang The Next Ones concert.

May training po rin kaming ginawa, so hindi lang po basta practice, hindi lang po magre-rehearse, may training din po kami,” say ni Andrea.

“Full production, talagang tututukan po namin bawat galaw”, dagdag ni Isha.

Pagpapatuloy pa ni Andrea, “Basta nagpapraktis po kami nang nagpapraktis tapos igi-give po namin nang igi-give sa mismong concert.

“Parang ang sarap po kasi na may magsasabing, ‘Ang galing mo’, after ng concert, may mga nakakikilala na po sa amin, may nagpapa-picture na po sa amin so, happy din po.”   

Sino sa mga sikat nating female artists ang kaboses o ka-genre nila?

“Sa akin po since, nagbe-base lang po kasi ako sa mga sinasabi ng tao, of course ‘yung mga audienc ko or listeners talaga, they always mention na ka-boses ko raw si Nina, si Kyla. So roon na po ako nagbe-base,” saad ni Isha.

Sinabi naman ni Andrea na, “Ako naman po kaya siguro po Bossa Nova, ka-boses ko raw po si Sitti or ka-vibe po ni Sitti, so ayun po.”   

Ang major concert nina Isha at Andrea, ang The Next Ones ay produced ng Ponti Entertainment Production at ididirehe ni Calvin Neria.

Special guest sa show sina Rey Valera, Aquila Packing Nathan Randal, Graciel Hizon, at Raymond Gorospe.

Available ang tickets sa  https://premier.ticketworld.com.ph/shows/show.aspx?sh=NEXTONES25.

Speaking of Rey Valera, may rebelasyon si Andrea tungkol sa Pinoy music Icon.

“Binigyan po kami ni Sir Rey ng kanta! Cover po ‘yung sa akin, ‘Walang Kapalit’ po, ibinigay po ni tito Rey sa akin.”

“Sa akin po ‘yung ‘Kung Maaalala Mo Ako,’ original po,” pagbabahagi naman ni Isha.

Paano nabuo ang concert nila na magkasama?

“Nagsimula po siya sa request,” kuwento ni Isha. “Request po from our producers po,” pagsang-ayon naman ni Andrea.

“Nanggaling po sa producers then we agreed na,” dagdag pa ni Isha. “I felt unsure ‘coz the thing is we are not in the limelight yet, we are not really in the mainstream yet as individual artist, to be honest. Wala pa po kaming hit songs.

“So why are we doing this, why are we gonna start a concert? But the thing is the reason why we agreed was because we wanted to break out of our cage.

“Instead of makita po nila kami as front acts lang we wanted to go out there so this is our start or beginning.”

“Ako naman po worried po ako noong una,” ang natatawang pag-amin ni Andrea. “Kasi since nga po baguhan baka wala pong pumunta, wala pong mag-support, wala pong nakakakilala sa amin so, iyon po super-worried po ako.

“Pero iyon po, kinausap po kami ni Tita [mom ni Isha na producer ng show], doon po nag-start so, nag-agree naman po ako.”   

Trivia lang,  ang ina ni Andrea na si Rowena Dayacap Gutierrez ay schoolmate namin noong kolehiyo sa Perpetual Help College of Laguna na ngayon ay University of Perpetual Help System Laguna na.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Angelika Santiago

Paggawa ng teleserye na-miss ni Angelika Santiago, mapapanood muli sa “Born to Shine”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NALAMAN namin ang ilan sa mga pinagkakaabalahan lately ng Kapuso …

Tony Labrusca Yuki Sonoda Kelley Day All About Her

Tony Labrusca, happy na makatrabaho sina Yuki Sonoda at Kelley Day sa “All About Her”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio IPINAHAYAG ni Tony Labrusca na masaya siya sa bago niyang …

Maya Maris Racal Julia Barretto

Julia at Maris ipinakita kung gaano kabilis mag-Loan sa Maya

KUNG napanood mo sina Julia Barretto at Maris Racal sa kasalukuyang Maya video na nagsasampalan ng pera, alam mo na kaya …

Ahtisa Manalo GMA7 Sparkle

Ahtisa Manalo pumirma na sa GMA

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMIRMA na sa Sparkle Artist ng management contract si Ahtisa Manalo kayainaasahang hahakot ito ng viewers …

Jean Garcia

Jean Garcia kaagapay ng RDR Prod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus INANUNSIYO ng RDR Productions, gumagawa ng mga film, socmed stories, at ilan pang …