Thursday , June 4 2026
Tonton Gutierrez im perfect

Tonton sobrang humanga sa mga bidang may Down Syndrome: Ang husay nilang umarte  

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

INAMIN ni Tonton Gutierrez na nasorpresa siya sa galing ng mga kasama nilang artista/bida sa 51stMetro Manila Film Festival entry ng Nathan Studios, ang I’m Perfect na mapapanood simula December 25, 2025.

Ang tinutukoy ni Tonton ay sina Earl Amaba at Kystel Go na may Down Syndrome.

Kakaibang pelikula ito. Ang mga artista namin dito ay may down syndrome, we’re really surprised. Ang gagaling nila! Ang husay nila!

“Ang husay nilang umarte. Marunong silang umarte.

“Siyempre ang iniisip natin sa mga people with disabilities escially with down syndrome, hindisila normal na tao.

“But we should be teating them as normal people. Normally tayo ang stigma kasi laging kapag mayroon tayong nakikitang people with down syndrome, parang bine-baby sila.

“Hindi dapat normal lang pala. Because they can act, they can function normally. They can decide,” ani Tonton sa isang interview sa kanya sa isinagawang MMFF 2025 Celebrity Gold Tournament noong December 9, 2025 sa Wack Wack Golf and Country Club.

Itsinika pa ni Tonton na bagamat medyo hirap sa speech ang mga bata, magaling pa rin ang mga ito.

Kailangan lang pagtiyagaan sila while doing this film,” sabi pa ni Tonton.

Ibinuking pa ng aktor na minsan namamangha silang mga senior actor sa husay nina Earl at Krystel.

Kami nina Lorna (Tolentino), Joey (Marquez), Ibyang (Sylvia Sanchez) at Janice ( de Belen) support lang. Sila ang bida ng pelikula. Sila ang star,” wika pa ng aktor.

Isa pa sa hinahangaan ni Tonton ay ang energy nina Earl at Krystel.

Grabe ‘yung energy nila. Talagang they’re there to work. Gusto nila ‘yung feeling na artista sila, umaakting sila.”

Ibinahagi pa ni Tonton na nagtatrabaho ang mga bata. At ang alam namin nagwo-work ang mga ito sa isang hotel at sa isang fastfood chain.

Asawa ni Tonton sa pelikula si LT na overprotective sa anak. 

Sa huli, sinabi pa ni Tonton na maganda ang pelikula nila na tiyak marami ang matututunan ng sinumang makakapanood lalo na sa kung paano pakitunguhan ang mga may down syndrome.

Ang I’m Perfect ay idinirehe ni Sigrid Andrea Bernardo.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …