SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez
TAMPOK si Bianca de Vera sa huling Star Magic Spotlight presscon ng taon-ibinahagi niya ang mga update at ang tuloy-tuloy na momentum ng kanyang karera.
Bago pa man ang kanyang Pinoy Big Brother Collab stint, ilang beses nang napanood si Bianca sa harap ng kamera at nagbigay buhay na sa iba’t ibang roles. Ngayon, naghahanda siya para sa lead role niya sa MMFF 2025 entry na Love You So Bad.
“Hindi ko naman in-expect na magkakaroon ako ng ganito karaming blessings, which I’m very, very grateful for… ‘Yung buhay ko ngayon, if I compare it from before… ito ‘yung moments na ipinagdarasal ko lang noon,” pagbabahagi ni Bianca.
Co-produced ng Star Cinema, GMA Pictures, at Regal Entertainment, gagampanan ni Bianca ang karakter ni Savannah na magiging parte ng isang komplikadong love story ng dalawang magkaibang love interests na gagampanan nina Will Ashley at Dustin Yu.
Sa kwento ng dalaga tungkol sa experience sa Love You So Bad, “It was really a journey. It was really a rollercoaster for the three of us… In this project I had the privilege na makilala ulit sila from scratch. Nakita ko sila sa ibang light, which is such a blessing for me.”
Bukod sa Love You So Bad, muli ring makakasama ni Bianca ang dati niyang PBB housemates sa inabangang mystery-family drama na The Secrets of Hotel 88, isang kolaborasyon ng ABS-CBN at GMA.
“Pangarap ko lang maging Star Cinema leading lady noon, and now I get the chance to be able to be one,” pagbabalik ni Bianca sa kanyang journey sa industriya.
Sa daming proyektong ginagawa, patuloy na patutunayan ni Bianca na handa siya sa mas malalaki pang roles. Mula sa kaniyang pagsisimula hanggang sa pagiging leading lady, makikita ang kanyang determinasyon. (Maricris Valdez)
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com