Tuesday , March 17 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Andrea Gutierrez Lani Misalucha

Andrea Gutierrez gustong sundan yapak ni Lani Misalucha

RATED R
ni Rommel Gonzales

AKO po ang goal ko po, magkaroon po ng hit song,” bulalas ni Andrea Gutierrez na tinaguriang Bossa Nova Princess sa tanong kung ano ang nais niyang makamit bilang isang artist.

“Iyon po talaga ‘yung number one goal ko, and siyempre po makilala po sa industry.”

Kaninong career ng isang celebrity ang nais ni Andrea na sundan o marating?

“Kakapanood ko lang po ng concert niya, si Ms. Lani Misalucha po. Kasi before po ako mag-Bossa Nova ang mga kinakanta ko po ‘yung mga ‘Tila,’ ganyan po, ‘yung mga song po ni Ms. Lani.

“So siya po ‘yung idol ko.”

Gaganapin sa December 13 sa Music Museum ang major concert nina Andrea at Isha Ponti, ang Asia’s Pop Sweetheart, na pinamagatang The Next Ones.

Produced ng Ponti Entertainment Production at sa direksiyon ni Calvin Neria. Mga special guest sa show sina Rey Valera, Aquila Packing Nathan Randal, Graciel Hizon, at Raymond Gorospe.

Ilang beses na ring nakasama ni Andrea sa show si Rey,  ano ang natutunan niya mula sa isang musical icon ng Pilipinas?

“Sabi po sa akin ni Tito Rey ‘yung mga pronunciation ko po,” at natawa si Andrea, “kasi more on English po ako tapos ‘yung mga kanta niya po more on Tagalog.

“And sabi niya po sa akin na kung mayroon man po ako na ilalabas na song, i-share ko lang daw po nang i-share hanggang sa kumalat ‘yung song.”   

Trivia, ang mommy ni Andrea na si Rowena Dayacap Gutierrez ay schoolmate namin noong kolehiyo sa Perpetual Help College of Laguna na ngayon ay University of Perpetual Help System Laguna.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Net Kanda Lea Salonga

Thai singer/actress napaiyak nang makita si Lea

MATABILni John Fontanilla HINDI naiwasang maiyak ng Thai singer/ actress na si Net Kanda nang makita at …

D GRIND Presentsm D PURPOSE 2026 MANILA

D’GRIND Presents…D’ PURPOSE 2026 MANILA

MATABILni John Fontanilla MULING magkakaroon ng dance workshop at recital ang nangungunang dance group sa …

Emma Tiglao

Emma Tiglao sinabihang ‘makapal ang mukha,’ management ng resto nag-sorry

MATABILni John Fontanilla NABASTOS daw si 2025 Miss Grand International Emma Tiglao ng isang waiter na tinawag siya …

Mama Emma Janna Chu Chu

Mama Emma, Jana Chu Chu wagi sa Dangal ng Pinas 2026!

MATABILni John Fontanilla PASASALAMAT ang gustong iparating ng Barangay LSFM 97.1 DJ na si Mama Emma sa pamunuan ng Dangal …

 Joel Lamangan All About Her

Direk Joel sa pagdidirehe ni Coco—May mata siya, marunong mag-position ng camera

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez ISA sa magagaling na direktor si Joel Lamangan kaya naurirat namin ito ukol …