Thursday , June 4 2026
Robin Padilla Vina Morales

Sharon at Vina ipapareha sa pagbabalik-pelikula ni Robin

I-FLEX
ni Jun Nardo

NANGUNGUNA si Sharon Cuneta sa mga leading lady na gusto ni Senator Robin Padilla para makasamang muli sa pagbabalik-pelikula.

“’Yun ang gusto ni Boss Vic (del Rosario). Pinag-uusapan namin ang part two ng movie naming ‘Maging Sino Ka Man.’

“Pangalawa si Vina Morales. Dahil sa ‘Ang Utol Kong Hoodlum’ naman na ginawa namin,” saad ni Sen Robin na nagbabalik sa Viva Films na humubog sa pagiging top action star ng bansa.

Ang part 3 ng movie niyang Bad Boy ang una niyang gagawin sa partnership nila ni Boss Vic.

Dahil ang yumaong action star na si Ace Vergel ang nagpamana sa kanya ng bad boy image, gusto naman niyang sa pamangkin na si Daniel Padilla ang sumunod sa yapak niya.

“Dapat kasi ‘yung angas, natural. Hindi ‘yung ipinagagawa lang ng director. Hindi na in love si Daniel at nakita ko ang ‘Incognito niya,’ puwede kong ipamana sa kanya ang pagiging Bad Boy ko sa pelikula,”rason ni Robin.

Hindi naman hadlang sa paging public servant ni Robin ang image na bad boy sa movie.

“Alam naman ng lahat ang pinagdaanan ko. Pero iba na ngayon. Kung gusto mong maiba, maging good ka!” diin ni Senator Robin na muling mapapanood sa big screen.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jun Nardo

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …