Friday , January 23 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
2025 Miss Universe Ahtisa Manalo 

Miss Mexico napagbuntunan ng bashing

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

MAINIT pa ring pinag-uusapan ang tila “corrupted way” of declaring the 2025 Miss Universe.

Kawawa nga talaga si Miss Mexico dahil sa kanya nabunton ang lahat ng bashing at pang-aalipusta though tama naman ang karamihan sa mga naging pagkuwestiyon nila sa tila ‘dayaan” na nasaksihan ng mga sumusubaybay sa beauty pageant.

Hindi kasi sinunod ang format na inaanunsyo ng organizer ng contest na after ma-reduce sa 30 out of 120 plus candidates ay susundan ng pagpili ng top 12 na maglalaban-laban sa gown, then top 5 in swimsuit with Q&A, then top 3, with another Q&A.

Nahinto sa top 5 ang lahat na twice na nagkaroon ng Q&A ang mga pumasok na Philippines, Thailand, Cote D’ivoire, Venezuela and Mexico. Kung ang nasabing format na pipili ng top 3 ang susundin, malamang ngang naligwak sina Mexico at Thailand dahil sa obvious na “mahina” ang mga naging performances nila.

But then again, iba ang nangyari. Wala ‘yung sinasabi ng isang judge na dating Miss Universe na accounting firm gaya ng dati. Sumabog din ang mga isyu sa koneksiyon sa negosyo ng may-ari ngayong taga-Mexico sa tatay ni winner plus iba pang pasabog mula sa nag-resign na judges.

Kahit ang ating si Louie Heredia na umupo ring judge sa lahat ng bahagi ng kontes ay hindi maipaliwanag ang nangyari dahil “individually” umano ang naging pag-judge nila at isinusumite lang nila ang kanilang scores. But he assured, binigyan niya ng bonggang scores ang Philippines dahil deserving ito sa husay sa lahat ng aspeto ng kontes.

Sang-ayon kami sa obserbasyon ng marami na ito na marahil ang “worst staging” ng Miss Universe sa buong 74 years of existence nito. Cooking show man or what, sobrang politika na ang mayroon sa dating inirerespeto at popular na beauty contest sa buong mundo.

Nakalulungkot lang. But here’s congratulating our bet, Ahtisa Manalo dahil tunay namang ipinaglaban niya ng parehas, mahusay at kapuri-puri ang Pilipinas.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ambet Nabus

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

MTRCB Lala Sotto MMPRESS

MTRCB, Netflix, Viu magtutulungan regulasyon na ipalalabas

I-FLEXni Jun Nardo ISA sa layunin ng pamunuan ng MTRCB na si Chairwoman Lala Sotto eh palaganapin at ituro …

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …