Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Shake Rattle and Roll SSR Evil Origins

SRR: Evil Origins nangangamoy block buster sa MMFF 2025

GRABE pero super bongga ang kakaibang media con ng Shake Rattle and Roll: Evil Origins ng Regal Entertainment.

Official entry ng Regal ang SRR: Evil Origins sa 2025 MMFF kaya’t marami ang excited sa pagbabalik pestibal ng longest running film franchise sa movie industry.

Bukod sa mga iconic artist gaya nina Janice de Belen, Manilyn Reynes, Arlene Muhlach, Carla Abellana, at Richard Gutierrez, kasama rin sa tatlong episodes ng movie sina Ivana Alawi at Ara Mina, with new batch of younger stars na may kanya-kanyang hukbo ng mga supporter.

Nakatutuwa nga dahil sa lakas ng ingay ng mga tilian at palakpakan para sa mga gaya nina Francine Diaz, Seth Fedelin, Fyang Smith, JM Ibarra, Dustin Yu, Isabel Ortega, Loisa Andalio, at marami pang iba, amoy na amoy na namin ang matinding support na gagawin ng fandom come December 25 showing ng movie. 

Ayon sa mag-inang Atty. Keith at Roselle Monteverde, hindi lumayo sa tradisyon ng takot, gulat, at sindak ang latest SRR: EVil Origins lalo’t ang mga writer at direktor ng movie ay big fan ng kanilang franchise.

“They know what our audience wants at alam nilang parte na ng tradisyon at kultura ang ganitong panoorin sa film festival,” sey pa ng mag-inang Roselle at Atty. Keith.

Ang mga writer ng movie ay sina Alex Castor, Onay Sales, at Gina Marissa Tagasa, habang sina Shugo Praico (1775), Joey de Guzman, (2025) at Ian Lorenos (2050)  naman ang mga direktor, respectively ng bawat episode.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ambet Nabus

Check Also

MMFF Parade

Parade of Stars sa Dec 19

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Samantala, sa December 19, 2025 (Friday) naman magaganap ang Parade of Stars sa …

Tonton Gutierrez im perfect

Tonton sobrang humanga sa mga bidang may Down Syndrome: Ang husay nilang umarte  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INAMIN ni Tonton Gutierrez na nasorpresa siya sa galing ng mga kasama nilang …

Bianca de Vera

Bianca ‘di inaasahan pagdagsa ng blessings

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez TAMPOK si Bianca de Vera sa huling Star Magic Spotlight presscon ng taon-ibinahagi niya ang …

TobaccOFF NOW

TobaccOFF NOW! Pre-Screening Event pangungunahan ng mga kabataan 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DALAWAMPU’T LIMANG kabataang filmmakers mula sa buong bansa ang maglalahad ng …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …