Friday , January 23 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Running Ina Marlene Gomez Doneza TOPS

‘Running Ina’ panauhin sa TOPS Usapan

ADBOKASIYA sa kalusugan, pagbibigay inspirasyon sa kabataan at  komunidad ang sentro ng makabuluhang talakayan sa Tabloids Organization in Philippine Sports. Inc. (TOPS) ‘Usapang Sports’  ngayong Huwebes sa PSC Conference Room sa Malate, Manila

Buhay na patotoo na hindi hadlang ang katayuan at edad upang maging simbolo ng katatagan at maging inspirasyon ng sambayanan ang 63-anyos na si Marlene Gomez Doneza, ang tinaguriang ‘Running Ina’, na tampok na panauhin sa programa ganap na 10:30 ng umaga.

Umani ng papuri si Gomez-Doneza matapos magawa ang di pangkaraniwang tagumpay sa sports nang makumpleto niya ang 1,461-kilometro ‘Trans Luzon Endurance Run’ – mula Matnog. Sorsogon hanggang Pagudpud, Ilocos Norte —  isang social awareness campaign upang itulak ang kalusugan sa mga senior citizens.

Nagawa ito ni Gomez-Doneza sa loob lamang ng 26 na araw. Bunsod nito, ginawaran siya ng pagkilala ng Sangguniang Panglungsod ng Batangas bilang pagkilala sa kanyang tagumpay na magsisilbing gabay ng bawat Pilipino na bigyan ng halaga ang kalusugan.

Iniimbitahan ni TOPS president Nympha Miano-Ang ng pahayagang Bulgar ang mga miyembro at opisyal na makilahok sa programa na itinataguyod ng Philippine Sports Commission, Behrouz Persian Cuisine, Pocari Sweat at Lila Premium Healthy Coffee at livestreamed sa TOPS Usapan Facebook page, Bulgar Sports at Sports Corner. (HNT)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Henry Vargas

Check Also

ASEAN PARA Games

Bejino, Gawilan, ginto agad sa 13th ASEAN Para Games

NAKHON RATCHASIMA – NIREGALUHAN ni Paralympian Gary Bejino ang anak nito na nagseselebra ng kaarawan …

World Surf League WSL

Nagsama-sama ang mga global wave riders sa WSL La Union International Pro

SAN JUAN, LA UNION — Halos 120 longboarder mula sa 24 na bansa ang dumagsa …

PSC

Nakahanda na ang lahat para sa Pilipinas sa pagsisimula ng ika-13 ASEAN Para Games

NAKHON RATCHASIMA, Thailand – Nakahanda na ang lahat para sa Pilipinas sa pagsisimula ng ika-13 …

Pato Gregorio PSC Ralph Recto PAGCOR Alejandro Tengco

PSC at PAGCOR, nagkaisang pabilisin ang pambansang pagpapaunlad ng palakasan

NAGKAISA ang Philippine Sports Commission (PSC) at ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na …

Pilipinas Warriors ASEAN Para Games 3X3

Pilipinas Warriors uminit ang kampanya sa ASEAN Para Games 2026, nanguna sa Men’s Wheelchair Basketball 3×3

Nakhon Ratchasima – PINAG-INIT ng Men’s 3×3 squad ang kampanya ng delegasyon ng Pilipinas dito …