Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Benjamin Magalong Stella Quimbo

Ex Marikina Cong. nakatanggap ng P300-M mula sa DOH fund

IBINULGAR ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong sa isang television interview na nakatanggap si dating Marikina City 2nd District Rep. Stella Quimbo ng P300 milyon mula sa Medical Assistance for Indigent Patients (MAIP) program ng Department of Health (DOH).

Sinabi ni Magalong na nakita niya ang mga dokumento ng DOH noong siya’y adviser pa ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) na nagpapakitang nakatanggap si Quimbo ng P300 milyon mula sa pondo ng MAIP.

“Gano’n sila ka-powerful,” dagdag niya, na tinutukoy ang posisyon ni Quimbo bilang vice chairperson at kalaunan ay chairperson ng House Committee on Appropriations sa 19th Congress.

Iginiit ni Magalong sa interview na dapat imbitahan ng ICI si Quimbo sa kanilang imbestigasyon upang magbigay-linaw sa mga paratang ukol sa mga insertions sa 2025 national budget.

“Ako siguro kailangan isa sa mga imbitahan diyan si Congressman Stella Quimbo, former congresswoman. Isa ‘yan,” sinabi ni Magalong, na nagsilbing adviser ng ICI bago magbitiw kamakailan.

Bukod kay Quimbo, sinabi ni Magalong na dapat din ipatawag ng ICI si Benguet Rep. Eric Yap, na siyang naging chairperson ng House Appropriations Committee noong panahon ng administrasyong Duterte.

Nauna nang tinukoy ni Navotas Rep. Toby Tiangco si Quimbo bilang isa sa mga miyembro ng maliit na komite kung saan umano nangyari ang ilang insertions sa 2025 national budget.

Ayon sa rekord, may apat na infrastructure projects si Quimbo sa kanyang distrito sa pamamagitan ng mga kompanyang pag-aari ng kontrobersiyal  na mga kontratista na sina Sarah at Curlee Discaya.

Ang mga nasabing proyekto ay ipinasok sa mga kompanyang konektado kay Discaya, kabilang ang Great Pacific Builders and General Contractor Inc., JMLR Construction and Supply, St. Gerrard Construction General Contractor and Development Corp., VPR General Contractor and Construction Supply Inc., at Alpha and Omega General Contractor and Development Corp.

Nabatid na ang mga proyekto, na may kabuuang halagang P180 milyon, ay ipinatupad noong 2022 at 2023, sa panahon ng panunungkulan ni Quimbo bilang vice chairperson ng House Committee on Appropriations.

Si Quimbo ay nagsilbing kinatawan ng 2nd District ng Marikina City mula 2019 hanggang 2025. Tumakbo siyang mayor sa 2025 ngunit natalo. (HNT)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …