Wednesday , February 4 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Claudine Barretto

Claudine iniurong demanda sa kapatid

MA at PA
ni Rommel Placente

NAGKABATI na pala sina Claudine Barretto at kuya niya na balak niyang idemanda noon.

Ito ang ikinuwento ng aktres sa panayam niya kina Ogie Diaz at Inah Evans sa  show  ng dalawa na The Issue is You! na mapapanood sa YouTube.

Sabi ni Claudine, “Nag-intervene ‘yung pamangkin ko, si Mark Barretto (anak ng kuya niya) na gustong mag-apologize ng kuya ko (ipinakita ang pictures ni Claudine at ng kuya niya). So, nag-sorry sa akin ang kuya ko, and my brother is 20 years and 20 days older than I am.

“Ngayon nasa hospital ‘yung sister in law ko, so, the day na magdedemanda ako nakausap ko si Mark at sabi niya, ‘dad wants to talk to you, mag-usap kayo.’

“So, ‘yung kuya ko naman in all fairness swallow ‘yung pride niya, nag-sorry siya, and nasa ospital ‘yung sister in law ko na mahal na mahal ko. So, hindi na, hindi na lang (itutuloy ang demanda).

“Kasi para sa isang kuya na magpakumbaba ng ganoon, sobrang sama ko namang tao para hindi ko tanggapin, at saka kapatid ko pa rin,” giit pa ni Claudine.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Marco Gomez Paolo Gumabao Atty Topacio Spring In Prague

Marco Gomez maganda exposure sa pelikulang “Spring In Prague”, Paolo Gumabao saludo sa  produ na si Atty. Topacio 

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MAGANDA ang exposure ni Marco Gomez sa pelikulang “Spring In …

PMPC

Bagong halal na opisyales ng PMPC nanumpa

RATED Rni Rommel Gonzales PINANGUNAHAN ng bagong halal na pangulo ng Philippine Movie Press Club (PMPC) ang …

Love Kryzl

Heart’s In Bloom ni Kryzl inilunsad

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez NAKAKA-LSS ang bagong inilunsad at ikaanim na single ni Love Kryzl, ang Heart’s …

Angel Locsin Joaquin Arce

Angel bongga ang ipinakikitang suporta kay Joaquin

I-FLEXni Jun Nardo HANGGANG X (formerly Twitter) naglalabas ng tweets ang missing in action pa ring si Angel Locsin. …

Blind Item, Mystery Man, male star

Serye sa isang network ‘di maumpisahan, bidang aktor sayang

I-FLEXni Jun Nardo TOTOO ba ang nasagap naming tsika na may problema pa raw sa …