MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang tatlong indibidwal na sangkot sa iligal na droga at dalawang wanted persons sa magkahiwalay na operasyon na isinagawa sa Bulacan hanggang kahapon
Ayon sa ulat mula sa Norzagaray MPS at Balagtas MPS, ang magkahiwalay na drug-bust operations ng Station Drug Enforcement Units ng mga nabanggit na istasyon ay nagresulta sa pag-aresto sa tatlong drug peddlers at pagkumpiska ng pitong sachets ng pinaghihinalaang shabu na tinatayang may timbang na 3.16 gramo at tinatayang may halagang Php 21,488.00, kasama ang buy-bust money.
Ang mga nakumpiskang ebidensya ay isinailalim sa Bulacan Provincial Forensic Unit para sa pagsusuri habang ang nararapat na mga kaso sa paglabag sa Republic Act 9165 ay isasampa laban sa mga suspek sa tanggapan ng Provincial Prosecutor.
Bukod dito, ang tracker team ng Bulacan 1st PMFC at Paombong MPS ay naaresto ang dalawang wanted persons sa bisa ng warrant of arrest para sa mga kasong Acts of Lasciviousness sa ilalim ng Art. 336 ng RPC kaugnay ng Sec. 5(b) ng RA 7610 na inamyendahan ng RA 11648 at paglabag sa Sec. 6 ng RA 8485 na inamyendahan ng RA 10631 kaugnay ng Sec. 6 ng RA 10175.
Ang mga naarestong akusado ay kasalukuyang nasa kustodiya ng mga pulisya ng kani-kanilang istasyon/unit para sa nararapat na proseso bago sila iturn-over sa kani-kanilang hukuman ng pinagmulan.
Ang matagumpay na mga operasyon ng Bulacan Police Provincial Office, sa ilalim ng pamumuno ni PColonel Angel L Garcillano, provincial director, ay nagpapakita ng matibay na paninindigan sa walang humpay na paglaban sa kriminalidad. (MICKA BAUTISTA)
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com