Saturday , June 20 2026
Toni Gonzaga Bayani Agbayani Alex Gonzaga Isko Salvador Brod Pete Eric Nicolas

Bayani inilaglag si Alex, pinuri si Toni

MA at PA
ni Rommel Placente

SA bagong game show ni Toni Gonzaga na Ang Tanong, ay naging players ang mga komedyanteng sina Bayani Agbayani, Isko Salvador o Brod Pete, at Eric Nicolas.

Bago nagsimula ang naturang episode ng Ang Tanong ay inalala muna ni Toni ang mga pinagsamahan nilang mga proyekto ni Bayani.

Sabi ng aktres at TV host, nakatrabaho niya si Bayani sa Home Swetie Home ng ABS-CBN na mag-asawa ang role nila ni John Lloyd Cruz. Pero mas madalas daw makatrabaho ni Bayani ang nakababata niyang kapatid na si Alex.

Pagkarinig niyon, sabi ni Bayani, “Oo. At saka ang kapatid mo ibang-iba sa ‘yo. Napakatalino mo. ‘Yung kapatid mo saksakan ng bobo.”

Ayon pa kay Bayani na natatawa, sobrang ingay daw ni Alex. Wala naman daw laman ang utak nito, puro lang daw satsat.

Kung makararating kay Alex ang pagtawag sa kanya ni Bayani ng bobo, sigurado kaming hindi siya mao-offend. Close naman kasi sila ng komedyante kaya magagawa at kayang-kaya siyang biruin nito. 

Matagal nang magkaibigan sina Alex at Bayani at madalas silang nagbabardagulan sa kanilang mga naging shows tulad ng I Can See Your Voice at Tropang LOL. 

Pero knowing Alex, ‘pag nakarating sa kanya ang biro ni Bayani, sigurado na sasagutin niya ito ng pabiro rin. Ano naman kaya ang itatawag ni Alex kay Bayani?

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Cecille Bravo

Philanthropist Cecille Bravo pinarangalan bilang Outstanding Mother

MATABILni John Fontanilla ISA sanpinarangalan sa Top 20 Outstanding and Exceptional Mothers for Mother of the …

Sanya Lopez Car

Mamahaling kotse regalo ni Sanya sa sarili

MATABILni John Fontanilla ISANG mamahaling sasakyan ang regalo ni Sanya Lopez sa kanyang sarili para sa 27th …

PUREGOLD OPM CON GEN 2026 Feat

Sold Out! Tiket sa Puregold OPM Con Generations 2026

OPISYAL na: Sold outang Puregold OPM Con Generations 2026! Sa dami ng mga tagasuportang nag-agawan para …

Ryzza Mae Dizon Bimby Aquino

Ryzza Mae at Bimby swak na loveteam, Dabarkads kinilig, nagkagulo

MATABILni John Fontanilla MARAMI ang kinilig sa muling pagkikita ng magkaibigan, magkalaro, at nagkasama sa …

Louie Ignacio Pura Luka Vega

Direk Louie ‘di nagustuhan ginawa ni Pura Vega

MATABILni John Fontanilla HINDI naibigan ni direk Louie Ignacio ang bagong pakulo ng Drag Artist na si  Pura …