MATABIL
ni John Fontanilla
LOADED sa dami ng trabaho ngayon ang ex PBB Collab housemate at Kapuso actor na si Will Ashley.
Kuwento ng aktor nang makausap namin sa katatapos na GMA Gala at tanungin kung bakit ‘di siya nakakapag-reply sa mga mensahe namin sa kanyang Facebook, “Sorry po Mama John, sobrang busy lang po, simula nang lumabas kami sa Bahay ni Kuya (PBB Hoise), sunod-sunod na ‘yung projects na ginagawa ko.
“’Di na rin ako masyado nakakapagbukas ng mga social media ko sa sobrang busy, sorry po talaga.
“Kaunti rin ang pahinga, pero okey lang dahil ang mahalaga maraming trabaho.”
Isa nga sa ginagawa nitong proyekto ngayon ay ang Bar Boys 2 kasama sina Carlo Aquino, Bryce Eusebio, Odette Khan atbp..
Abala rin ito sa kaliwa’t kanang guestings sa iba’t ibang TV shows at out of town shows.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com