100 Awit Para Kay Stella Bela Padilla JC Santos Kyle Echarri

Kyle tiyak na kaiinisan sa pag-eksena kina JC at Bela

I-FLEX
ni Jun Nardo

UNANG sabak sa Viva movie ng singer-actor na si Kyle Echarri sa pelikulang 100 Awit Para kay Stellana sequel sa ginawang movie nina Bela Padilla at JC Santos na 100 Tula Para kay Stella.

Dama ni Kyle ang pressure lalo’t alam niyang may built in crowd na ang partnership nina Bela at JC. Dagdag pa na parang third wheel siya sa romansa ng dalawang bida.

Basta, ‘yung emotions n’yo laban sa akin eh talaga namang ikaiinis ninyo. Grateful ako kina Bela at JC dahil na-feel ko ang suporta nila sa akin na bahagi ako ng movie,” pahayag ni Kyle sa mediacon.

Natagalan bago nasundan muli ang pagsasama nina Bela at JC sa movie na idinirehe ni Jason Paul Laxamana. Ilang scripts ang dumaan sa kanila hanggang ito ngang Awit ang nagustuhan nila na mapapanood sa cinemas sa September 10.