MATABIL
ni John Fontanilla
NAPA-WOW ang lahat sa ganda ng kasuotan at headress ng Philanthropist at successful celebrity businesswoman, Cecille Bravo na rumampa bilang Empress sa katatapos na 3rd Johhny Litton Awards-Johnny Litton Birthday Celebration na ang theme ay base sa pelikulang The Last Emperorna ginanap sa The Grand Hyatt Hotel-Manila kamakailan.
Suot nito ang napakagandang creation ng sikat na designer na si Raymund Saul at ang headress naman nito ay gawa ni Patrick Isorena na siya ring gumagawa ng mga national costume ng mga Pinay Beauty Queen.
Habang rumampa naman bilang young Emperor ang dalawa nitong guwapong anak na sina Miguel at Matthew Bravo na ang kasuotan ay gawa pa rin ni Raymund.
Ilan pa sa rumampa angCelebrity Jeweler-model Mark Lua suot ang creation ni Nin̈o Angeles, beauty queen-designer Joyce Pilarsky-Cubales na suot ang sarili niyang creation, Lyn Bautista and daughter Gale, Aileen Solidum Campos, Maru Go, Grace Gobing, Dr. Rollin Tabuena and wife Dra. Tabuena.
Isa rin si Ms Cecille na tumanggap ng Humanitarian Award sa 3rd Johhny Litton Awards kasabay ang iba pang awardee na sina Concert King Martin Nievera, Lyn Bautista, Dr. Rollin Tabuena and wife Dra. Tabuena, Connie Garcia.
Ang 3rd Johnny Litton Awards ay pinangunguahan nina Marissa Fenton at Atty. Roselle del Rosario-Rebano (Chairpersons), idinirehe ni Raymond Villanueva, hosted by Actress-host Giselle Sanchez.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com