Thursday , June 4 2026
LTO Land Transportation Office

Lisensiya ng 10 taxi, TNVS drivers sinuspinde ng LTO sa takaw-singil

PINATAWAN ng suspensiyon ng Land Transportation Office (LTO), sa ilalim ng gabay ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Vince Dizon, ang lisensya ng 10 driver ng taxi at Transportation Network Vehicle Service (TNVS) dahil sa labis na singil at para sa mga pangongontrata sa mga pasahero.

Sinabi ni LTO Chief, Assistant Secretary Atty. Vigor D. Mendoza II, inilabas na ang show cause orders (SCOs) sa lahat ng taxi at TNVS drivers na pawang nahuli sa pagsasagawa ng surprise operation sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

“We already informed these drivers of the suspension of their licenses for 90 days through the SCOs that we issued them. In other words, wala silang trabaho during that period, at ito ay dahil sa pananamantala sa ating mga kababayang commuter,” pahayag ni Mendoza.

“Our operations in all NAIA terminals will continue because we want our country’s main gateway to be a discipline zone,” dagdag niya.

Nauna nang iniutos ni Mendoza ang regular na deployment ng LTO enforcer team sa tatlong NAIA terminals kasunod ng hindi bababa sa tatlong kaso ng viral overcharging cases kung saan isang driver ang naniningil ng P1,300 sa isang pasahero para sa maikling biyahe mula Terminal 2 hanggang Terminal 3 habang ang isa naman ay naniningil ng mahigit P5,000 sa isang pasahero sa hiwalay na biyahe mula Terminal 1 hanggang Terminal 2.

Samantala, kasalukuyang iniimbestigahan ang isang motorcycle taxi rider dahil sa paniningil ng P2,000 sa isang pasahero mula NAIA hanggang Cainta, Rizal.

Muling binalaan ng DOTr chief ang mga abusadong driver ng public utility vehicle na kanilang babawian ng lisensiya kapag napatunayang labis ang pagsingil sa kanilang mga pasahero.

Ang lahat ng mga driver na nahuli ay nahaharap sa kaso ng pagiging “improper person to operate a motor vehicle” na may pinakamataas na parusa ng pagbawi ng lisensiya sa pagmamaneho. (ALMAR DANGUILAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …